" Jade, anong oras ang alis natin? Tutuloy ba tayo? Mukhang masama ang panahon!" sambit niya kay Jade nang makita niya ang langit na tila gusto nang umiyak. Bigla na lamang naging masama ang panahon. "Mamayang hapon pa baby. Bakit ba gusto mo na kaagad umuwi? Ayaw mo na bang magkasama ako? Sulitin na muna natin ang oras na magkasama tayo okay?" wika nito sa kan'ya sabay hapit sa bewang niya. " K-katatapos lang natin Jade." aniya. Nakatayo sila ngayon sa terrace ng kwartong nirentahan nila sa private islang na'yon. Si Jade ay naka yakap mula sa likuran niya samantalang siya ay tinutunghayan ang malawak na karagatan mula sa kwarto nila. "Hmmm, baby! Wala namang masama kung katatapos lang natin o ano 'di ba? Hindi naman labag sa batas kapag pa ulit ulit kong aangkinin ang asawa oo' di ba?

