“Good morning mom,” naka ngiting bati sa akin ni Serene. Nag tatakha naman akong napa tingin sa kanya. “You’re early,” puna ko sa kanya pagka tapos ko siyang halikan sa pisnge. “Yeah, we had to leave early mom because Morvella was nagging ishar early in the morning,” naka ngiwing sambit ni Serene sa akin. Baka dahil iyon sa dinner namin kagabi. “About what?” nag tatakhang tanong ko naman sa kanya habang nag hahanda ng pagkain sa lamesa. “About dinner or something, I don’t know mom, nag pa alam nalang ako then umalis na kami ni Aezie,” Tumango ako sa kanya at sinenyasan ko siyang umupo na para maka kain dahil mukhang hindi pa siya nakakapag breakfast. “Hindi tuloy kami nakapag breakfast ni Aezie,” naka ngiwing sagot niya kaya na tawa ako nang bahagya sa sinabi niya sa akin.

