“Wanna go on a lunch date with me?” Tanong ni Raze sa akin. Napa tingin naman ako sa kanya at bahagyang tumango. “Sure, wala naman akong gagawin,” naka ngiting sambit ko sa kanya. “Mag de-date kayo?” Naka ngiting tanong ni Esme sa amin. Tumingin naman kami sa kanya at tumango. “Yes, palagi nalang kaming hindi nakaka labas due to some circumstances,” naka ngising sagot ko sa kanya. Sumingkit naman ang mata niya sa akin. “Really?” “Yes, how about you? Wala ka pa bang boyfriend?” Naka taas ang kilay na tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin at bahagyang umiling. “Wala pa, if meron man ikaw ang unang makaka kilala,” sagot pa nito sa akin. Napa taas naman ang kilay ko sa sinabi niya. “Really? Kasi ang alam ko may nanliligaw na raw sa’yo,” pinaningkitan ko siya nang m

