Chapter 19- Pangako sa Isa't-isa

2237 Words

       Naramdaman ni Cassandra ang mahigpit na hawak ni Renzo sa kamay niya habang naglalakad sila paakyat ng hagdan. Hindi niya alam kung saan sila pupunta at nang tingnan niya ito ay seryoso ang itsura. Magkasalubong ang mga kilay at tila alintana ang naging pagtatalo nito sa mga magulang kanina lamang. Gusto sana niyang pagmasdang mabuti ang mga nadadaanan nila habang naglalakad pero mas nanaig sa kanya ang kaba sa maaring mangyari sa kanila ni Renzo pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ng mga magulang nito tungkol sa kanila.         Huminto sila sa gitnang parte ng pasilyo at binuksan ni Renzo ang pinto nito. Saglit lang siya nitong tinitigan bago muling kinuha ang kanyang kamay. Bumungad sa paningin niya ang isang maluwang at kulay gray na silid. Maaliwalas ang loob dahil sa glas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD