Saglit niyang pinagmasdan ang kanyang ama na nakaupo sa upuan nilang kawayan. Nakita niya na malamlam ang mga mata nito at halatang may iniinda pa itong sakit. Nang bilga ay lumambot ang mukha nito at ngumiti sa kanila ni Renzo. "Halika kayo dito. Pumasok kayong dalawa." Utos nito sa kanila. Itinuro pa nito ang isang bakanteng upuan malapit sa kinauupuan nito. Lumakad siya papalapit sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang at kasunod niya si Renzo habang hawak pa rin nito ang isa niyang kamay na para bang takot na takot na kapag binitawan siya nito ay bigla na lang siyang mawawala. Pero ng malapitan ko na ang aking ama ay kusa nang bumitaw si Renzo panandalian sa kanyang mga kamay. "T-atay..." Hinawakan niya ang isang kamay ng kanyang ama. Dinama niya ang gaspang ng palad

