Naka akbay sa kanya si Renzo ng pumasok sila sa kanilang kuwarto. Binilinan na lang niya si Sarah na tutulungan niya ito sa pagliligpit kapag napatulog na niya ang kanyang asawa. Hindi naman ganong lasing si Renzo pero inalalayan pa rin niya ito dahil sa pinilit ito ng mga kaibigan kanina na uminom pagkatapos ng kanilang kasal. "Babe..." Malambing na tawag nito sa kanya. Naglalakad na sila sa pasilyo papunta sa kanilang kuwarto. Naamoy niya ang pinaghalong pabangong gamit nito at ang amoy ng alak na ininom ng biglang ilapit nito ang mukha sa kanyang pisngi. "Hmmmm? Bakit babe?" Tiningnan niya ito na halos ay maduling siya sa lapit ng mukha nito sa kanya. Malamlam ang mga mata nito at parang sinasadya nitong akitin siya. "Masaya ka ba na kinasal na tayo s

