
Hindi matanggap ni Cassandra na ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobyo ay ang pagtutol niyang ibigay ang kanya virginity, kaya naman isang gabi niyang iniwan ang pagiging konserbatibo upang pagselosin ang kanyang dating nobyo.
Pumunta siya sa isang bar kung saan paboritong puntahan ng kanyang dating nobyo. Nakipagsayaw at uminom siya ng maraming alak hanggang sa magising na lang siyang nasa loob ng isang kuwarto kasama ang bokalista ng banda na si Abraham. Inakala niyang hindi na muling magtatagpo ang landas nila, ngunit napag-alaman niyang ang kumpanya na pinapasukan niya ay pag-aari ng pamilya nito.
Kahit anong pilit niyang iwas sa lalaki ay unti-unti namang nahuhulog ang loob niya at patuloy siyang bumabagsak sa mga bisig nito.
Anong gagawin niya kung malaman niya ang tungkol kay Abraham? Kakayanin pa ba niyang pakisamahan ito sa kabila ng natuklasan niya?

