Fight for her

2362 Words

NIEL: MAPAIT AKONG NAPANGITI habang yakap-yakap ito na humahagulhol sa bisig ko. Damang-dama ko ang bigat ng loob nito. Ang galit niya sa akin. Ang pagkasuklam niya sa akin. Nang makalma na nito ang sarili ay kusa na siyang kumawala sa pagkakayakap ko. Walang imik na tumayo at lumabas ng cubicle. Napasunod ako na matamang pinanood itong naghilamos sa sink ng lababo. Napatabi akong naghilamos din na binura na ang make-up ko sa pagiging clown. "Shayne" pigil ko sa akmang paglabas na nito ng restroom. Walang emosyon ang mga matang napatitig ito sa akin. "Mag-usap muna tayo please" pagsusumamo kong nangilid ang luha. "Tama na. Wala na akong sasabihin. Sinabi ko na sayo, hindi kita mapapatawad ng ganun-ganon lang Niel" walang emosyong s**o nito. Napalapat ako ng labing pinipigilan ng luha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD