NIEL: HINDI NGA AKO nagkamali ng akala na aalis na sila Shayne at Nathan pagkatapos ng party. Mabuti na lang at in-inform ako ni ate Mikay sa mga nangyayari. Siya rin kasi ang nag-aalaga sa ngayon kay Tantan kaya naman napasunod ako kaagad ng airport. Kabado ako lalo na't kasama nila Shayne si Collins na nakaalalay sa mag-ina ko. Wala silang kaalam-alam na nakasunod lang ako sa kanila. Nang makasakay na kami ng eroplano pa-flight ng Turkey ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Kita ko pa rin naman mula dito sa kinauupuan ko anh pwesto nila Shayne at Collins sa harapan karga ang anak kong nakaidlip na sa balikat ni Collins. Kahit nagngingitngit ang loob ko ay kailangan ko ng mahaba-habang pagtitimpi. Hindi ako pwedeng mabuko ng mga itong nakasunod lang sa kanila. Lalo na at hindi ako

