SHAYNE: PALAKAD-LAKAD AKO habang hinihintay matapos asikasuhin si Niel sa loob ng emergency room at pinaghintay na lamang ako dito sa kinuha naming private room para dito. Tahimik lang naman si Collins na pinapakiramdaman ako. Kahit gustong-gusto ko na siyang sugurin ay nagtitimpi na lamang ako na hwag magalit dito dahil hindi naman 'yon makakatulong kay Niel. Mabuti na lang at naiwan niya ang cellphone niya kanina sa unit na inihabol ko sa kanya. Pero laking gimbal ko na maabutan itong may binubugbog sa parking area at halos tumalon ang puso ko sa ribcage nito na makilalang si Niel ang binubugbog nito! Mukhang kanina pa niya binubugbog 'yong tao na puro dugo na ang mukha at may mga sugat na rin mula sa bubog sa kanyang ulo, at noo. Napakuyom ako ng kamao na nagngingitngit ang mga ngipi

