SHAYNE: NATAHIMIK KAMI pareho nito matapos ang mahaba-haba naming iyakan habang magkayakap. Hindi ako makaapuhap ng tamang sasabihin para mabasag ang katahimikan na naghahari sa pagitan namin. Nararamdaman ko naman ang panakanakang pagpisil nito sa kamay kong hawak nito habang magkatabi kami ng kama na nakasandal ito sa balikat ko. "Shayne" mahinang sambit nito. Napalunok akong bumilis ang kabog ng dibdib sa pambabasag na nito sa nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. "Y-yes?" napapalunok kong tanong. Nanatili itong nakasandal sa balikat ko na pinipisil-pisil ang kamay ko. "Pwede bang magtanong?" "Nagtatanong ka na" sagot kong ikinahagikhik nito. Hindi ko maintindihan ang sarili pero natawa na rin ako na marinig itong napahagikhik. "Um, a-ano mo si C-Collins?" nag-aalanga

