Isabella's POV BUONG araw akong hindi mapakali habang naghihintay sa bahay. Hindi rin naman ako marunong magluto kaya wala rin akong nagawa. Natatakot akong sumubok na magluto dahil baka masira ko lang ang isda at gulay. Sayang naman. Mawawalan lang kami ng pagkain. Naglinis na lang ako ng bakuran habang hinihintay ang oras. Pagsapit ng tanghali, bumalik na si Gun. Siyang-siya ako pero natigilan ako sa kamasa nito. Hinatid pa talaga siya ni Maxine at pareho silang masayang nag-uusap habang pumapasok sa bakuran namin. Nang lumabas ako ay natigilan sila. Nawala agad ang ngiti sa mukha ni Maxine. Sumusobra na talaga ang babaeng ito! Talagang sinasadya niyang ipakita ang pagkadisgusto niya sa akin at ang kalandian niya kay Gun! "Mahal." Lumapit sa akin si Gun at hinagkan ako sa pisngi.

