Isabella's POV "Gun!" "Mahal!" Bigla niyang nabitiwan si Maxine kaya bumagsak ito sa damuhan. "Ouch! My butt!" Nag-atubili pa si Gun na tulungan ito nang makalapit ako. Sa huli ay tinulungan din niyang makatayo si Maxine pero agad rin binitiwan ang kamay at lumapit sa akin. Matalim ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi makatingin sa akin si Gun habang masama naman ang paningin ni Maxine sa akin. "Thanks for today, Gun. Bukas ulit." Lumapit ito kay Gun at humalik sa pisngi nito. Kumuyom ang mga kamao ko sa nakita. Halos manginig ako sa galit. Si Gun ay nagulat at mabilis na tumingin sa akin. Nang makapasok sa bahay nila si Maxine, mabilis ko siyang tinalikuran at nagmartsa pabalik sa kubo. "Mahal, hindi ko ginusto iyon." "Ah, talaga ba?" "Mahal." Hinawakan niya ako sa braso pe

