Gun's POV KANINA ko pa tinitingnan ang almond sliced cake sa loob ng display freezer mula sa table namin ni Maxine. We are in a cafe shop right now, eating and waiting for the rain to stop. Sa totoo lang ay hindi naman masyadong malakas ang buhos ng ulan, pero ayaw bumiyahe ni Maxine hangga't hindi tumitila at umaaraw. Ayaw raw nitong mabasa ang damit niya na sa ibang bansa pa niya nabili. "May gusto ka pa bang kainin? I notice na kanina ka pa lumilingon sa mga cake. What do you want? Let me buy it to you." "Ah, hindi. Busog na ako." "E, bakit tingin ka nang tingin doon?" Tinuro pa niya ang display freezer. "Gusto ko kasing uwian ng almond cake si Isabella. She likes sweets. Siguradong matutuwa iyon." Natigilan siya and made funny faces. Napansin kong lagi niya itong ginagawa sa tuw

