Isabella's POV NAALIMPUNGATAN ako dahil sa maalinsangan na paligid. Mainit ang kinaroroonan ko at kahit ang hangin na mula sa nakabukas na bintana, mainit din. Bumangon ako. Napansin kong balot ako ng kumot at nasa loob din ng kuwarto, nakahiga sa kama. Kaya naman pala mainit. Tatanggalin ko sana ang kumot pero natulala ako nang mapansin na hubo't hubad ako. Anong nangyari? Bakit ako nandito? Ang naaalala ko lang kanina, hinatid ko si Gun nang paalis na ito, tapos naupo ako sa tabi ng mesa at... si Wil! Natahimik ako nang isa-isang magbalik ang memorya bago ako nahimatay kanina. Pinainom niya ako ng pampatulog! And... I'm naked? Did something happened? Na... napagsamantalahan ba ako? Tumayo ako at nakita ang mga damit ko sa sahig. Nagmadali ko itong pinulot at isinuot. I need to talk

