Isabella's POV MATAGAL na natigilan si Gun matapos ng sinabi ko. Ilang minuto itong nakatingin lang sa akin, walang reaksyon ang mukha niya pero kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata. I swallowed hard as I felt a lump in my throat. "Gun... " "Anong ginawa niya?" Bumaba ang paningin ko at nakita ang panginginig ng mga kamay niya habang nakatingin lang sa akin nang mataman. Hindi kinukurap ang mga mata. Muling nag-init ang gilid ng mga mata ko nang maalala kung anong ginawa ni Senyor Ariel. Marahan kong tinaas ang nakakuyom kong kamao at umarkong sinuntok ang sarili kong tiyan. "Ganoon... sinuntok niya ako dito... sa tiyan." "f**k! f**k!" Bigla nitong pinagsusuntok ang pader sa gilid namin, at pagkatapos ay mahigpit niya akong hinawakan sa magkabilang braso. "Bakit hindi ka sumiga

