Isabella's POV MAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Gun habang binabagtas ang mahabang daan papunta sa resort sa dulo. Parang sadyang nakalinya ang mga puno ng niyog sa magkabilang gilid ng daan at malinis ang matitingkad na kulay luntian na damo sa paligid. Sa kaliwa namin ay kitang-kita ang magandang tanawin ng asul na dagat. "Maganda dito. Tahimik." "Yeah, sana maganda rin ang naghihintay sa atin," pagsang-ayon ko. Bigla akong natigilan sa paglalakad nang matanaw ang isang kotse sa hindi kalayuan. "Bakit?" tanong ni Gun. Tinuro ko ang nakikita ko. Mabilis niya akong hinila sa likuran niya para itago. Kitang-kita namin kung paano bugbugin ng isang lalaki ang isa pang lalaki na may katandaan na. Puti na kasi ang lahat ng buhok nito. "Stay here." "Saan ka pupunta?" Mabilis ko siyang pinigilan

