Isabella's POV HALOS umawang ang mga labi ko sa narinig na sinabi nitong Maxine na ito. Mabilis kong binawi ang kamay ko na hawak ni Gun sa ilalim ng table at nagngingitngit ang kalooban na tinuon ang tingin sa pagkain. Sadya kong nilakasan ang bawat tusok ng tinidor at hagod ng kutsara ko sa plato kaya natahimik ang mga ito at napatingin sa akin. I don't care. Naiinis ako. "Sweetie." Naramdaman kong gumapang ang kamay ni Gun sa baywang ko. Tumigil ako sa pagsubo at matalim ang mga matang nilingon siya. "Don't touch me." Napapakurap itong nagbawi ng kamay. "I-I'm sorry." Tumikhim si Don Pablo. Napansin yata nito ang ikinikilos ko. Well, binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Hindi kami suwerte at hindi maganda ang lugar na ito. I wanna leave! "Tingnan mo nga naman, kaliit ng mundo. Ik

