Isabella's POV KATATAPOS lang ng photoshoot namin. Habang pinipili ang mga pictures at ang lunch namin, naisipan kong pumunta sa swimming pool at mag-relax. Ayaw kong maligo ng ng dagat dahil sa tubig nitong maalat. Masisira lang ang balat ko. Nakangiti naman ako at ibig tumawa nang maalala ang mukha ni Maxine kanina. Sayang, agad na umalis si Gun. Magpapatikim pa sana ako dito katulad ng ginawa namin kahapon. At gusto kong mahuli kami ni Maxine. That was my plan, to ruin them. Pero dahil nauna na itong umalis, sa ibang araw na lang. Mahaba pa naman ang oras ko. Marami pang pagkakataon para sirain ang kasal nila. Isinuot ko ang black shade na dala ko saka pahigang naupo sa upuan na nasa tabi ng pool. Hinayaan kong maarawan ang buong katawan ko. Hindi naman masyadong masakit sa balat a

