Isabella's POV HABANG nasa America pa ako at nagtatrabaho, nakaipon ako ng sapat na pera para bumili ng isang beach resort dito sa Pilipinas. After I got back, ang pagbili sa beach kung nasaan ako ngayon ang una kong inasikaso. Papa gave me the Altagrasia Hotel, na ngayon ay pinalitan ko na sa pangalang Bella's Dime. Sa lahat ng negosyo namin, ito ang pinaka-less profitable at medyo palugi na rin. But that was three years ago. Napalago ko ito kaya nagkaroon ako ng karapatan na angkinin at gawin ang kahit na anong gusto kong gawin dito. I'm sipping a red wine by the beachside. Minsan, gusto kong matawa mag-isa kapag naaalala ang naging reaksyon ni Maxine kanina. Minsan naman, gusto kong magalit. Nagtagumpay si Maxine na agawin sa akin si Gun. Ngayon ay ikakasal na sila. "I won't let tha

