Saksi ko ang BUWAN
" Abby, tahan na. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao e. " muli kong sambit sa aking kaibigan at kaklase na kanina pa walang ginagawa kundi humagulgol ng iyak.
" Ayaw nga huminto. Ano magagawa ko. Nasasaktan talaga ako." sagot nito sabay hagulgol ulit. Punas ng sipon at luha nito.
Napabuntunghininga nalang ako habang hinihimas ang likuran ng aking kaibigan. Hay naku, ano ba itong sitwasyon namin nakakatawa.
Naiiling nalang ako. Paano ko ba sisimulan ang kwento? Well, nandito lang naman kami sa may Kapitolyo ng aming probinsya. Sinasamahan ko ang aking kaibigan at classmate sa pagsisintimyento dahil nalaman lang naman niya na ang kanyang iniirog, iniibig este minamahal ah basta ganun daw yun. Na may pagtingin pala sa isa naming kaibigan pa. Actually, nagulat din ako.
Mahaba habang kwento to .
Apat kaming magkakaibigan. Simula ng lumipat kami ng tirahan ng aking nanay at kapatid, dito na ko nag-aral ng highschool. Sila na ang aking naging gabay.
Graduating na kami mga ilang araw nalang. Bakit nga ba kami napunta ni Abby sa lugar na ito?
E ganito nga, Prom night namin ngayong gabi. Sa di inaasahan na pangyayari. Ang matagal ng iniirog ni Abby ay nagtapat sa aming kaibigang si Sarah.
Nagulat nga din si Sarah. Hindi niya rin inaasahan iyon.
Alam naman namin na walang pagtingin si Sarah kay Edward.
Nakita ni Abby ang lahat. Ang sabi niya sa akin masama na daw pakiramdam niya at uuwi na siya. Sabi ko sige sabay na kami.
Nang pauwi na kami dito na kami napunta sa Kapitolyo.
Maganda dito kapag gabi. Sabi nga nila maraming lovers na namamasyal. Marami ditong mga puno na may mga benches sa ilalim. May pasyalan at palaruan.
Nasa kalagitnaan naman ang munisipyo ng bayan na talagang nagliliwanag kapag gabi sa malalaki nitong ilaw.
Malakas pa ang simoy ng hangin.
Sa naging pwesto namin ni Abby, mistula kami nagpapalabas ng drama. Nasa daanan kasi kami ng mga tao malapit sa may basketball court. May liga pa naman ngayong gabi kaya dinarayo ng mga tao upang maglibang na din.
Sino ba naman ang di pagtitinginan? Kasama ko humahagulgol ng iyak tapos mga naka pang prom dress pa kami.
Simple lang naman ang suot namin. Dahil kumpara sa ibang school, hindi naman kami nirequire na maging bongga. Magpapakabongga pa ba kami? Natatawa nga ako sa itsura namin mga sunog kami sa araw. Paano naman tactical namin CAT nung umaga tapos gabi promnight. Itsura ko mukhang bilad na daing, na ulo lng natusta. Dahil sleeveless na bestida ang suot ko kitang kita na magkaiba ang kulay ng aking mukha sa katawan.
Hindi naging memorable ang prom night ko. Ewan ko ba, Siguro dahil sa pagod . Kanina pa ko antok na antok. Hindi ko feel ang itsura ko. Kasi naman di man lang ako inayusan ng nanay ko. Kumpara sa ibang mga teenager sabi nga ni nanay late bloomer ako. Tapos di pa daw ako marunong mag ayos ng sarili. Boyish pa daw ako kumilos. As in walang ka arte arte sabi ni nanay. Naalala ko pa nga ng paalis na ko. Mukha lang daw akong tatambay sa kanto. Kainis walang ka support support.
Di bale pag nasa college na ko. Dun ako mag aayos para maiba. Magugulat sila sa akin. Nangingiti pa ko habang naiimagine mga itsura nila. Mga manghang mangha.
Naputol ang aking pagmumuni muni ng tumayo si Abby. Akala ko uuwi na kami.
" Tara nuod muna tayo ng liga." nakangiti nitong aya sa akin. Mugto na ang mga mata nito , Kaya para malibang , Sumunod nalang ako sa kanya ng maglakad na ito patungo sa basketball court.
Talaga namang sinusuwerte ako. Ano ba yan? Team pa pala ng kapatid ko ang naglalaro. Kitang kita ko pa ang aking nanay na naghihiyaw at nakahilera sa mga manonood. Napakamot tuloy ako ng ulo.
" Teka, bhie wag na tayo lumapit dun."
" Bakit?"
Nginuso ko yung team sa kabila.
Natawa si Abby.
" Ayos ah. Kumpleto kayo. Ikaw ang muse." Natatawa niyang tukso sa akin.
Parang baliw to kanina iyak ng iyak ngayon tawa ng tawa. Hindi ko nalang sinabi ang nasa isip ko, baka mamaya umiyak na naman.
" Sige Jen dito nalang tayo. Masyado rin maliwanag dun baka mapansin pa nila tita yung mata ko. "
Hindi na nga kami umalis sa pwesto namin na nasa daanan. Wala naman sasakyan na pumapasok sa Kapitolyo dahil nga gabi na halos. Meron man karaniwan mga nakabisekleta lang.
Sa kinaroroonan namin. Tanging ilaw lang sa isang poste na medyo dim ang liwanag. Hindi kami masyadong kita at ang atensyon ng tao ay nasa mga manlalaro.
Umalis si Abby. Nang bumalik may dalang snacks. Inabot sa akin at mabilis ko binuksan. Naramdaman ko kasi na gutom nga pala ko.
Habang kumakain ako. May pakiramdam ako na parang may nakatingin sa akin. Kaya nilingap ko ang aking paningin sa kaliwa at kanan ko. Hindi nga ako nagkamali. Sa may di kalayuan sa amin ni Abby. May lalaking nakaupo sa nakahinto nitong bisikleta. Mga isang metro lang ang layo sa amin. Nang mapatingin ako sa kanya nakangiti ito sa akin. Hindi ko masyado maaninaw ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito sa ilaw. Hindi ko naman siya kilala kaya di ko nalang pinansin.
Tinuloy ko nalang ang pagkain ko. At binaling ulit ang atensyon ko sa laro. Pero di talaga ko mapakali. Pakiramdam ko talaga ako ang tinitingnan ng lalaking iyon.
Nag-isip tuloy ako ng kung anu-ano. Natatawa siguro siya sa suot namin. Pakialam ba niya. Trip namin to e. Bahala ka dyan. Sabi ko sa isip ko.
Sa gilid ng mata ko, naramdaman ko na parang lalapit siya sa amin ni Abby.
Hindi nga ako nagkamali. Lumapit nga siya. Madilim sa pwesto namin ni Abby. Kaya di ko lalo makita ng maayos ang mukha niya. Wapakels naman ako sa itsura niya. Di ko lang alam kung bakit siya lalapit sa amin.
Paglapit niya.
" Abby!"
Mabilis naman nilingon ni Abby.
" Oi, Mike dito ka pala. Kanina ka pa ba?"
Ah Kilala naman pala ni Abby.
"Medyo. Di kasi natuloy laro namin. Hindi dumating kalaban." paliwanag nito.
" Ah, naglalaro ka parin pala sa mga liga. Nga pla friend ko, si Jenny. Jen si Mike kapitbahay namin. " pakilala ni Abby.
Ako naman sabay tango habang kumakain. Binulungan tuloy ako ni Abby.
" Ano ka ba? konting finesse naman. Para ka naman nakasalubong lang na ka tropapips mo" . nangingiting bulong sa akin ni Abby.
E ano nga ba gagawin ko. Ganun ako sanay.
Hinarap ko nalang ulit si Mike.
" Gusto mo?" alok ko sa kanya ng kinakain ko.
Nangiti si Mike sabay iling. Wala kasi ako maisip na sabihin.
Ramdam ko na parang may gustong sabihin si Mike. Hindi naman.niya natuloy sabihin. Natapos na din kasi ang palaro. At mabilis akong hinila ni Abby at nag aya na lumapit daw kami sa team ng kapatid ko.
Hindi na kami gaano nakapag paalam kay Mike. Mabilis na paalaman lang ang sinabi ni Abby habang hila hila ako. Nakita ko habang palayo kami na bumuka ang bibig ni Mike na may gustong sabihin. Ewan ko nga kung imagination ko lang parang nakita ko kasi na parang tinawag nia ang pangalan ko. Hindi rin ako sigurado. Nang tanawin ko ulit ang pwesto na iyon. Hindi ko na nakita si Mike.
" Nay naman. Ayaw ko po." may pagdadabog kong sabi sa aking nanay. Pinipilit kasi nila ako na palitan muna ang muse ng team dahil may sakit ang pambato nila.
Susko bakit ako? Ni hindi nga ako makapagsuot ng short ng kita ang hita ko. Ano magiging itsura ko dun? Hindi ako confident na kaya ko.
" Ngayon lang naman. At wala nga makuha na pansamantalang kapalit. Wala ka naman gagawin dun. Lalakad ka lang kapag tinawag ang team ng kapatid mo."
" Pagmumukhain nyo naman akong tanga dun nay e. " Naiiyak kong sagot.
" Support mo naman yun sa mga kapatid mo. At bakit ka naman magmumukhang tanga dun? e Kung tutunganga ka lang dun. Magmumukha ka ngang tanga. Saglit lang naman yun. Di pagkatapos mo umuwi ka na. "
Wow galing talaga ng nanay ko. No choice naman ako. Kilala ko si nanay. Kapag di ko ginawa isang linggong sumbatan aabutin ko. Pumayag na ko. Basta sinabi ko ayaw ko ng heavy make up. Buti nalang bumalik na ang kulay ko. Hindi naman ako panget hindi ko rin masabi na maganda ako. Hindi ko alam. Sabi ni Abby. Ako daw yung tipo ng babae na hindi agad agad mapapansin ang ganda. Pero kapag matagal daw akong tinitingnan dun napapansin ang ganda ko. Lalo daw kapag nakangiti ako.
Kung meron man akong isang bagay na maipagmamalaki iyon e ang aking kulay. hindi ako maputi hindi rin naman yung morena at kayumangging kulay. Pantay ang kulay ko mula ulo hanggang paa. Saka wala akong balahibo. Kaya hindi ko na kailangan mag ahit ng hita at legs. Ang buhok ko naman medyo may pagkakulot na parang wavy lang habang humahaba nagkakawave. Ngayon shoulder length lang ang buhok ko na maitim. Kahit sinsabi ni nanay na may laban din naman ako. Hindi ko talaga kayang rumampa dun habang pinanunuod ng maraming tao. Naiisip ko pa paano kung makita ako ng mga kaklase ko.
Hindi rin naman ganun kalaki ang dibdib ko pero masasabi ko na proportion ang katawan ko para edad na 16.
Wala na rin ako nagawa. Bahala na si Batman talaga. Habang nakapila ako sa unahan ng team ng kapatid ko at hawak ang banner ng team, may lumapit sa akin na matangkad na lalaki. Maputi ito na makinis ang mukha. Nakangiti pa ito at litaw ang magandang tubo ng mga ngipin nito. Teka nga may kamukha itong artista e. Sino nga ba yun? Iniisip ko rin kung sino nga ba tong lalake na to.
Ah tama. malaki ang hawig niya sa aktor na si Zoren Legaspi. Nakatingala pa ako sa kanya ng lumapit sa akin.
"Musta Jen? Buti nagkita tayo ulit. Ikaw pla ang muse ha. " nakangiti nitong bati sa akin
Ako naman napatulala. Sino nga ba to?
" Sino ka nga ulit? " nasabi ko pala ang nasa isip ko.
" Kinalimutan mo ko kagad? may utang ka sa akin ha. Mike remember? kapitbahay nila Abby? "
Agad ko naman naalala.
"Ah, oo nga pala. Sorry ha." Nahihiya kong sagot. Pakiramdam ko nag init ang mukha ko. Yun pa naman ang pinakaayaw ko. Tiyak namula ang buo kong mukha.
Pagtingin ko sa kanya, Nakangiti at nakatitig sa akin. Masasabi ko talaga na guwapo pala ito sa liwanag. Yung tipong lilingunin mo talaga kapag dumaan sa harapan mo.
May gusto pa sana siyang sabihin sa akin. Ngunit sinenyasan na ako na kailangan ng lumakad para sa parada ng mga muses ng bawat team. Hindi ko na sya nilingon pa.
Natapos ang event hindi ko na siya nakausap ulit. Pero ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Lalo ng lumakad na ako upang irepresent ang team namin. Nakita ko pa nga siyang pumapalakpak ng tawagin ang pangalan ko. Aminin ko, masaya sa pakiramdam ko na natatandaan niya pa ako. Natapos ang event hindi na kami nagkausap pa ulit. Hindi ko na siya nakita pa ng gabing iyon.
Natapos ang graduation day namin sa isang simpleng program lang. May nagkakaiyakan na. Pero kanya kanya pa din. Parang hindi na magkakakilala. Mga busy kasi sa pagpapapictures. Kami naman ni Abby nakaupo lng sa ilalim ng bench na aming laging tambayan. Humiwalay kasi kami sa aming mga pamilya na busy na nakikipagkwentuhan sa iba pang magulang.
" Oi Jen ikaw ha. Tindi ng ganda mo ah. " nakangisi nitong panunukso sa akin.
" Bakit?" takang taka ako at bakit ganun sinsabi ni Abby.
" Wala kang clue noh. May chika ako sayo? Ready ka na ba kiligin?"
" Ano nga?" naiirita ko na sagot.
Natawa tuloy si Abby. Na lalo kong kinainis.
" Huwag mo na ikwento. baka mainis lang ako. solohin mo nalang."
" Hindi ikukuwento ko ng may kilig naman na pumasok diyan sa katawan mo. "
" Alam mo ba na tinanong ka sa akin ni Mike? Imagine ha sinadya pa ko sa bahay para magtanong tungkol sayo".
" e bakit?" taka kong tanong.
" Ay engot lang? Obvious ba interesado sa yo yung tao. Magtatanong ba yun kung hindi. Saka wag ka ha. Matagal ko ng kilala si Mike. Crush ko nga din yun dati. No worries paubaya ko na sya sa yo. Marami nagkakacrush dun kala mo ba, pero ikaw lang ang alam ko na naging interesado sya". kinikilig nitong kwento.
Habang may panunuksong ngiti sa kanyang mukha.
Syempre hindi ako makapaniwala. Malay ba naman kung gusto lng makipagkaibigan. Aminin ko bigla ako nakaramdam ng panlalamig ng katawan. Na para bang kinikili ang puso ko. Napangiti na nga rin ako sa isiping iyon. Sa isang parte pala ng aking puso may kilig akong tintago para kay Mike. Sabagay after ng meeting namin nun ng magmuse ako. Lagi ko na sya naiisip. Pero dahil kasalukuyang completion namin sa school. Nawala rin yun sa isipan ko. At ngayon, masaya ang pakiramdam ko na malamang ganun pala siya sa akin.
Hindi ko na rin naiwasan magtanong kay Abby tungkol kay Mike. College student na pala siya. Taking up engineering at nasa 2nd year na ito. Eldest siya sa family nila. 3 silang lalake. ang father niya ay isang retired Army. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Si Abby ba naman ang magkwento parang nagreport ng talambuhay kumpletong kumpleto. Ganun pa man masaya ako at nakilala ko si Mike kahit man lang sa kwento lang ni Abby. At dun nagsimulang umasam ang aking puso na sana isang araw.
Isang araw na siya naman ang kausap ko... sana.
Kay lakas ko palang manalangin. Dumating agad ang aking SANA.
Nanuod kami ng laro ng liga. As usual olats na naman ang team ng kapatid ko. Magagaling kasi mga kalaban nila. Pero kahit ganun masaya padin kami lalo kapag nakikita ko na nakakapaglaro at nakikipagsabayan sa iba ang dalawa kong kapatid na lalake. Proud ako at magaling sila maglaro.
" Ate, mauna ka na umuwi. Punta pa kami sa bahay ng coach namin."
" Huwag kayo pagabi masyado. Wala pa sila nanay. Wala ako kasama sa bahay. "
Tumango nalang sila habang mabilis na sumama sa kanilang teammates. Naiwan ako nag iisa sa daan habang iniisip ko kung pano ako uuwi mag isa. Ang dilim pa naman ng dadaanan ko. Makikisabay nalang ako sa iba. Hahakbang na sana ko para makaalis nasa lugar na iyon. Nang may biglang humila sa akin. Si Abby pala.
" Oh nanuod ka din pala. Di pa tayo nagkasabay". ang sabi ko sa kanya.
Agad naman itong sumenyas ng nguso sa likuran nito. Napatingin ako sa dakong nginunguso niya. At ewan bigla akong kinabahan. Pinagpawisan tuloy ako e ang lakas naman ng hangin.
Nakita ko kasi si Mike. Palakad papunta sa direksyon ko kasama ang iba pa nilang kasama.
Ngumiti siya sa akin pero di nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin. Bigla akong nalungkot. Hindi ko alam kung bakit. Marahil dahil hindi ganun ang inaasahan ko na magiging pagbati niya sa akin. Isinantabi ko nalang ang pag iisip na iyon. Si Abby nalang ang hinarap ko.
" Pauwi ka na ba? " tanong nito.
" Oo. makikisabay na sana ko dun e hinatak mo naman ako."
" Ah, wala ka pala kasama. Sa amin ka nalang sumabay."
Isang way lang din naman ang daan pauwi sa amin. Yun nga lang mas dulo ang bahay namin. Malapit kasi ito sa bukid at gawing looban. Ganun kasi ang piniling lugar ni nanay ng bilhin ang lupa. Talagang probinsyang probinsya.
Hindi na ko tumanggi. Habang nagkalakad na kami pauwi si Mike ang nasa tabi ko. Nasa likuran kaming dalawa. Bale may limang tao pa nasa aming harapan mga kausap ni Abby. Masaya sila nag uusap pero kami ni Mike. Wala kami imikan. Wala rin kasi ako makwekwento sa kanya. Mukhang wala din ito sa mood. Tahimik lang ito. Sinasabayan lang ako sa paglakad. Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko na lang makarating sa bahay.
Hindi ko na namalayan nasa tapat na pala kami ng aming bakuran. Ang lupang nabili ni nanay wala pa itong bakod na semento mga wire lang muna ang nakapalibot na bakod. Sa unahan nandun ang aming tindahan. Tabi ito ng daan. Ang bahay namin nasa bandang likuran pa. Dati kasi iyong taniman ng gulay. Dahil hindi pa masyado nadedeveloo ang lugar hiwahiwalay pa ang mga bahay. Sa bandang kanan ng aming lote ay isang malawak na bukirin. Katabi ang isang lote na taniman ng maraming puno ng buko. Kaya medyo madilim at masukal. Sa bandang kaliwa kapag nakaharap sa tindahan namin ay isang bakanteng lote naman na tatayuan palang ng bahay ng aming bagong kapitbahay. Kaya wala pa ding ganong ilaw. Kaya masasabi ko na madilim talaga sa lugar namin na iyon. Wala pa ang nanay ko kasi nagbiyahe pa sila ng mga kaibigan nia ng mga paninda nila. Natatakot man ako hindi ko pinahalata.
" Dito na ako. Salamat po sa paghatid. " nagpasalamat ako sa mga kasama ni Abby. Tiningnan ko nalang din si Mike bilang pasasalamat.
" Ang dilim naman pala sa inyo. Wala ba tao?" tanong ni Abby.
" Sanay na ko. Mamaya lang din darating na mga kapatid ko."
" Sure ka?"
" Oo naman." nakangiti kong sagot kay Abby. Nangmapilit ko na na okey na ako dun.
Nagpaalam narin sila Abby. Hindi ko na tinignan pang muli si Mike. Parang ayaw ko na din tingnan. Madilim man pero nagkakakitaan naman dahil sa sobrang liwanag ng buwan.
Kumaway nalang ako sa kanila ng naglakad na sila patungo sa isa pang eskinita palabas patungo sa kanilang mga bahay. Ng di ko na sila matanaw. Humarap na ko sa aming bakuran. Pabuntunghininga kong binuksan ang aming tarangkahan. Papasok na sana ako ng.
" Jen? " tumatakbong tawag sa akin.
Si Mike.
Nagulat ako. Naguguluhan akong napatingin sa kanya.
" Sensya na ha. Hinatid ko muna sila."
Hindi pa rin ako sumasagot. Naghihintay nalang ako ng paliwanag niya.
" Okey lang ba kung samahan muna kita? Alam ko wala ka kasama. Kanina ko pa pinakikiramdaman. Alam ko natatakot ka."
" Ha? hindi. Ano. Okey lang naman. " natutuliro kong sagot.
Nangiti tuloy si Mike sa sagot ko.
" Anong okey? Okey na samahan kita? " tanong nito ulit.
Ano ba to? Kinakabahan ako. Pinagpapawisan ako. Ang mga kamay ko nanlalamig. Taranta na ko. Hindi ako makapagisip. Nilalamig ba ko o kinikilig? Sa taranta ko binuksan ko nalang ang maliit na gate sa may gilid ng tindahan namin. hindi na yung malaking tarangkahan ang binuksan ko. Ramdam ko nakasunod siya sa akin. Wala ako masabi. Hindi naman ganuon kalaki ang lote ng nanay ko. Pero ng lumakad kami papasok ng bakuran. Pakiramdam ko ang layo na ng nilalakad namin. Natatakot ako kasi paano kung magalit si nanay na pinapasok ko si Mike. Ano sasabihin ng tao? Dalawa lang kami dun sa bakuran. Sa bagay malalayo nga ang kapitbahay.
Mistulang nanunukso pa ang buwan. Pakiramdam ko sobrang liwanag niya ngayon at nakangiti siya sa amin. Paglagpas namin sa may tindahan na may bubong na pawid sa may daanan. Hindi sinasadya na nagkadikit kami nag sabay kami tumayo ng tuwid sa pagkakayukod namin pagdaan sa may bubong na pawid. Matangkad kasi kami pareho kaya mababa para sa amin ang bubong na iyon. Bahagya akong nauyot kaya mabilis naman niya ako inalalayan.
Sa totoo lang, hawak palang niya sa siko ko iba na ang nararamdaman kong kilig. Gusto ko ang dampi ng kamay niya sa balat ko.
" Okey ka lang?" nag aalala nitong tanong.
Tumango lang ako sabay ngiti.
Wala kami imik habang papunta na kami sa bahay. Ang bahay namin semi bungalo lang na di pa natatapos. Bago lang kasi itong natatayo. Tinapos lang agad para malipatan na namin. Hindi pa ito nakikinis at napipinturahan.
Bigla ko naalala. Ang susi pala ng bahay nasa kapatid ko. Talaga namang swerte. Nang nasa may tapat na kami ng pinto.
" Sige pasok ka na. Make sure ko lng na nasa loob ka na. Saka ako aalis".
Naku patay. Paano ko ba sabihin.
" Ah, sige okey na ko dito. Salamat ha. Sige na kaya ko na."
Tumingin siya sa akin na ultimo tinuturo na buksan ko na ang pinto.
" eh... wala pala yung susi. Hindi ko nakuha sa kapatid ko." nahihiya kong sabi sa kanya.
Napangiti ito.
" Swerte ko naman. Hinahabaan ang oras ko na kasama ka". sambit nito.
Jusmiyo Marimar kinilig ako. Pinigil ko mapangiti. Kinagat ko nalang ang aking labi sabay baling ng tingin sa may nagiisang puno malapit sa may palayan.
" Dun nalang tayo. Okey lang ba? May upuan dun". turo ko sa may puno.
Sadya ngang napakaromantic ng lugar na iyon para sa akin ngayong gabi. Nang humakbang na siya patungo sa ilalim ng puno. Huminga muna ako ng malalim bago sumunod. Pakiramdam ko kasi parang nagwawala ang puso ko.
Dalawa kami sa ilalim ng puno ng Saraisa(Aratiris), oo tama sa dami ng puno yun pa ang magiging saksi sa aming dalawa.
Natatawa ako habang naiisip ko iyon. Dahil maliliit ang dahon ng punong iyon. Tanglaw na tanglaw kami ng liwanag ng buwan.
Sabay kami umupo sa upuang kahoy na pahaba ,nakaharap kami sa may palayan. Sobrang liwanag ng buwan at ang laki pa nito.
Hindi ko alam kung gano na kami katagal na walang imik. Minsan yata hindi na kailangan magsalita. Wala pa akong karanasan sa pakiipagrelasyon. Crushes nga wla pa din. Kaya kakaiba para sa akin ang nararamdaman ko. Nilalamig ang buo kong katawan. Pakiramdam ko kami lang ang tao sa mundo. Lumilipad ang isip ko. Nangangarap ba ako?
" Ahm, Jen? may sasabihin sana ko sa yo". nagulat pa ko ng magsalita si Mike.
Ano ba gagawin ko? Haharap ba ko sa kanya? Nanginginig ba ko? Ano ba to?
Bago pa man ako sumagot. Hinawakan na ni Mike ang kamay ko. Alam ko malamig yun. Nahihiya man ako pero ang nasa isip ko e ang sasabihin niya. Humarap ako sa kanya.
Tiningnan ko siya sa mukha. Kitang kita ko sa sinag ng liwanag ng buwan sa kanyang mukha na kinakabahan din ito. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Pigil hininga kong hinintay ang mga salitang bibitawan niya.
" Jen, ... Jennie... saksi ko ang buwan.. mahal kita."
Nabingi yata ako.
" Ha?"
" I love you Jen! ".
Kakagraduate ko pa nga lang ng highschool. Wala nga pumapansin sa akin sa school. Eto isang guwapong mukhang artista nagtatapat ng pag-ibig sa akin? Hindi pa nga ako nakakaranas maligawan. Nakatulala lang ako parang paulit ulit ko naririnig sinabi ni Mike. Seryoso mukha niya habang nakatingin sa akin. Ano ba nangyayari? Nananaginip ba ako? Ano ba sasagot ko?
Basta sa mga oras na ito. Samut saring emosyon ang nararamdaman ko. Tuwang tuwa ang puso ko. Gusto ko siya yakapin. Pero parang naparalyze ang katawan ko. Ito ang gabing hinding hindi ko makakalimutan. Ang buwan siya ang saksi. Alam ko nakangiti ito sa amin. Mahigpit paring hawak ni Mike ang aking kamay. Parang ayaw ko na bitawan pa niya ito. Maaring bata pa nga ako. Lakas pala makamature ng pag-ibig.
Oo, umiibig din ako. Yan ang sigaw ng damdamin ko. Ngunit hindi ko maisatinig. Sana ramdam mo, Sana rinig mo ang kabog ng dibdib ko..
May mga bagay na bigla nalang dumarating, mga biglaang pangyayari. Na magtuturo sa atin at magdudulot ng kasiyahan. Oo sobrang galak ng aking puso.
Matagal kami sa ganung posisyon. parang napakanatural lang na kapwa namin gustong tumagal na kami ay magkasama.
Hanggang sa napukaw na ng mga taong paparating ang aming atensyon. Nakauwi na din aking mga kapatid.
Hindi ko na namalayan. Nagpaalam na pala umuwi Si Mike. Sabi ng kapatid ko tulala daw ako. Natandaan ko pa ng sabihin niya...
" Goodnight My Moon.. " pabulong lamang iyon ngunit umaalingawngaw ito sa aking puso.
At iyon na ang simula.
Simula ng aking masalimuot at mailap na pag-ibig.