Isang linggo pa lang ang nakalipas kung saan orientation lang ang nangyari. Ngayon ay pagpapakilala naman ng mga teachers at kung anong subject ang ituturo nila. Next week pa magkakaroon ng klase kaya hanggang ngayon ay nababagot ako. May pa-welcome party pa ang college department na gaganapin mamayang gabi sa ballroom hall kung saan invited lahat especially new students like me, ganito kabigatin ang paaralang pinasukan ko. Kumpleto lahat ng facilities, maganda pa mag-aral sa ganitong klase ng paaralan lalo na’t competitive.
“Pumunta ka mamayang gabi,” utos ni mama.
As usual, utos niya ay susundin ko. Napatango na lang ako, hindi na nag-abalang sumagot.
“Balita ko ay hahayaan din kayong mag perform do’n? Sumali ka.”
Muli akong tumango. Lahat talaga ay alam niya na kaya hindi ko rin magawang tumakas o magtago dahil kahit anong gawin ko mahuhuli’t mahuhuli ako. Minsan napapaisip na lang ako na may tinatago sa’kin si mama, na kahit hindi magkaiba ang kulay ng mga mata niya ay may kapangyarihan naman ito na matuklasan lahat ngunit wala naman akong mabasa na kakaiba sa kanyang isipan, napapabuntong-hininga na lang ako sa tuwing sumasagi ‘yon sa aking isipan.
“Nasa ibabaw na ng kama mo ang dress na susuotin mo, I’m sure that you’ll going to astound people with your beauty when they see you,” aniya.
Anong saysay ng kagandahan ko kung hindi nila p’wedeng makita ‘yung tunay na kulay ng mga mata ko?*
“Thanks, mom,” ani ko.
“You should be proud, magiging sikat ka ro’n,” sabi pa niya.
Tuluyan na akong napatingin sa kanya, nawalan na akong gana kumain. “Hindi ko gustong sumikat, mom. Ikaw lang ‘yun,” nasabi ko na rin.
“What?” napakunot ang noo niya.
“Nothing,” at tumayo na ako. “Maliligo na ako,” paalam ko at dali-dali na akong umakyat patungo sa kwarto.
Pagpasok ko sa kwarto ay lumapit na ako sa kama, hinawakan ko ang damit na susuotin ko mamayang gabi. A dark green halter dress, bagay na bagay sa kulay ng mata ko. Kung maipapakita ko lang ‘to, hays. Matapos kong ilagay sa closet ang damit ay dumiretso na ako sa banyo para maligo dahil may pasok pa.
Pagbaba ko ay sinabihan na lang ako ni manang na umalis na si mama, ang family driver na namin ang maghahatid sa akin sa school. Makakahinga ako ng maluwag sa loob ng sasakyan knowing na hindi si mama ang kasama ko.
“Salamat, kuya,” ani ko bago bumaba.
“Walang anuman, Ma’am!”
At dahil nakaabot pa ako sa flag ceremony ay hindi ako naparusahan. Oras na ma-late kasi ay may punishment ka, ayoko namang mangyari ‘yon lalo na’t mapapagalitan ako ni mama.
Paakyat na ako sa hagdan nang may humawak sa braso ko, paglingon ko ay napakunot na lang ang noo ko. “Richy?” kung hindi ako nagkakamali siya ‘yung humatak kay Luiz.
“Why?” tanong ko kahit na alam ko na ang sasabihin niya dahil nabasa ko na sa kanyang isipan.
“As you can see, may party mamaya. I’m from the music club, gusto sana kitang yayain na maging partner ko. Ipinaalam kasi sa’kin ni sir Evan na magaling ka rin daw sa larangan ng musika,” nakangiting sabi niya.
Ngumiti rin ako. “I’m sorry, I can’t.”
“H-ha? Bakit naman?”
Tinanggal ko na ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Hindi ako hahayaan ni mama.* “I like the idea performing with you but I can do it on my own.”
Naglaho naman ang ngiti sa kanyang labi. “Ayaw mo ba ng may kasama? I’m sorry kung feeling close ako pero maganda sana kung—“ hindi ko na siya pinatapos dahil hindi pa rin magbabago ang isip ko, masasayang lang ang laway niya.
“Honestly, ayoko ng may kasama,” sabi ko na lang para tantanan niya na’ko kahit na hindi ko naman talaga sinasadya. I’m sorry.* tinalikuran ko na siya.
Bago pa ako makahakbang ay narinig ko pa ang boses ni Luiz dahilan para matigilan ako. “Leave her alone, she’s self-centered.”
Napailing na lang ako, dismayado. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, wala siyang alam kaya gano’n na lang ang lumabas sa bibig niya. I hate him, I really hate him. He’s my rival, katulad ng sabi ni mama hindi ako p’wedeng magpatalo sa kanya. Hindi si Rico ang threat sa buhay ko kundi si Luiz.
I’ll just stick with my mother’s principle.
Break time ay sa field ako kumain, hindi ako tumuloy sa cafeteria. Mag-isa akong kumakain habang nagbabasa ng novel. Nakaupo ako sa ilalim ng puno para hindi masunog ang balat ko sa araw. Nanatili ang mga mata ko sa librong binabasa ko habang ngumunguya ng pagkain nang maramdaman ko na lang ang presensya ng isang tao sa harapan ko. Napatingala ako upang tingnan kung sino ‘yon, napakunot na lang ang noo ko nang makita si Rico.
“Be my date, tonight,” saad niya.
Mas lalong napakunot ang noo ko. “Kailangan ba ‘yon?”
“Well, yes.”
“So, bakit ako?”
“Because, I want you.”
Bahagya naman akong natawa. “Wala ka talagang tinatago, noh?”
Siya naman ang napakunot ang noo. Kung ano kasi ang nasa isipan niya, ‘yon din talaga ang lumalabas sa kanyang bibig. Hindi niya tinatago ang tunay niyang damdamin maliban na lang sa gusto niya ako na hindi pa niya sinasabi sa’kin pero obvious naman ang galaw niya. Like, crush niya ako. Kaya hindi na ako magugulat pa. After all, I can read minds.
“Is that a no or what?”
Ngumisi ako. “Tatanggi pa ba ako? Si Ri—Dewill Lim na ang nagyaya sa akin.”
Bahagyang napaawang ang labi niya. “You’re unbelievable, akala ko ay hindi ka papayag.”
“Why?”
“You’re independent and confident enough to be alone, it’s like you don’t want any guy to be by your side.”
Halos lahat yata ‘yon ang nakikita sa akin na kaya lahat, alam lahat pero lahat ng ‘yon ay natutunan ko lang naman kay mama. Si mama ang may kontrol sa buhay ko na hindi nila alam. I guess, my life sucks?
Tumaas ang kilay ko. “Ayaw mo ba o ano?”
“No, it’s not like that.”
“Then, we’re good,” at tumayo na ako.
“Wait,” napahawak siya sa aking palapulsuhan. “I’ll pick you up tonight?”
“No, dito na tayo magkita.”
Binitawan niya na ang kamay ko at naglakad na’ko palayo sa kanya.
Sa halip na bumalik na sa classroom ay dumiretso muna ako sa club rooms. Papasok na sana ako sa music club nang makita kong may tao sa loob, si Richy. Sumilip ako at nakita ko rin si Luiz, nakaupo siya sa gilid habang pinapanood si Richy na mukhang kumakanta. Ngayon ko lang din nakita ang pag ngiti niya habang nakatingin siya kay Richy, masaya silang dalawa.
Napahawak na lamang ako sa’king dibdib nang may humawak na naman sa palapulsuhan ko, walang iba kundi si Rico. Sinusundan mo ba ako?*
“What are you doing?” tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Bitiwan mo ako.”
Nanlaki na lang ang mga mata ko nang buksan niya ang pinto at pumasok siya kasama ko, hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Nagulat naman si Richy nang makita ako, napatikom ang bibig niya at napahigpit ang paghawak sa microphone. Habang si Luiz ay nakatingin lang sa akin.
“Silvina,” aniya.
“Ano ba, Rico!” mariin kong sabi.
Binitawan niya na ang kamay ko. “Talk to them if you want, hindi ‘yung nagtatago ka.”
Napairap na lang ako dahil sa kanyang sinabi.
“Hala! Sasali ka na? Kasama na kita?” bakas na ang pagkatuwa sa mukha ni Richy, mas lalo akong nagi-guilty. Masasaktan ko ulit siya kapag sinabi ko na hindi pa rin lalo na’t nakikita ko sa kanyang isipan na mabait talaga siya.
Hindi ako makapagsalita, naghahanap pa rin ako ng p’wedeng idahilan para hindi na siya malungkot.
“Silvina, partner na kita?” nakangiti pa niyang sabi.
Napatikhim ako. “I’m sorry, h-hindi pa rin p’wede.”
“Hindi p’wede? Sino ba ang pumipigil sa’yo?”
Naibaling ko naman kay Luiz ang mga mata ko. Wala pa rin akong mabasa. “Wala,” at tinalikuran ko na sila.
“But, Silvina—“
“Hayaan mo na, Richy. You can’t change her mind,” narinig ko namang sabi ni Rico.
Now I know, magkakakilala silang lahat. Magka-kaibigan, ako lang ‘tong bago sa kanila. Tuluyan na akong lumabas, hindi na nila ako pinigilan.
I don’t know why, hindi ako natutuwa. For the first time, naramdaman ko ito.
Dumiretso ako sa banyo, ni-lock ko ang pinto nang mag-isa na lang ako. Napahilamos ako, pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin habang ang natitirang butil ng tubig ay dahan-dahang bumaba sa mukha ko. “Snap out of it, Silvina. You shouldn’t feel emotions, you’re strong.”
Pag-uwi ko ay natulog muna ako para paghandaan ang party mamayang gabi. 8pm start ng party hanggang 12 midnight.
Muli kong nakasama si mama na kumain ng hapunan. “Anong gagawin mo mamaya?”
“I’m going to play the piano,” sagot ko.
“That’s nice,” aniya. “Ako ang maghahatid sa’yo mamaya.”
Hindi na ako sumagot, tumango na lang ako.
“Silvina, are you mad?”
Tuluyan na akong napatingin sa kanya. “No, mom,” pagsisinungaling ko.
Napabuntong-hininga siya. “Tomorrow, hahayaan kitang dumalaw sa’yong Ama.”
“Really?”
Tumango siya. “Pagkatapos ng klase ay pumunta ka, kasama mo ang driver natin para bantayan ka.”
“Hindi ka pupunta?”
“You know dear, kahit busy ako. Bago umuwi ay dinadalaw ko si Samuel. Hindi ko makakalimutan ang ‘yong Ama, walang makakapantay sa kanya.”
“Kahit na sinasabi nila tita na mag-asawa ka ulit,” dagdag ko.
Muli siyang tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan ‘tong pinisil. “I still love your father so much.”
Kahit papaano nawala ang bigat na nararamdaman ko sa puso dahil sa sinabi ni mama. Muli niyang sinabi sa akin kung gaano niya kamahal si papa. Sana..Sana may makilala rin ako katulad ni papa kung saan hindi ko na magagawang pakawalan ang taong ‘yon.
“Galingan mo, Silvina,” aniya bago ako bumaba.
“I know,” tugon ko at tuluyan ng bumaba sa sasakyan.
Bago ako pumasok sa building ay nagtungo muna ako sa field kung saan kami magkikita ni Rico. Ang bawat paligid ay may ilaw na nagmumula sa poste kaya makikita ko siya agad. Nakatalikod siya sa’kin. “Dewill,” pag-agaw ko ng atensyon niya.
Paglingon niya ay pinigilan ko na lang na matawa dahil ang ingay na ng isipan niya. /Damn, you’re so beautiful./
/f**k, sinundo sana kita sa bahay niyo./
/I don’t know what to say../
“So, what do you think?” umikot pa ako para ipakita sa kanya ang suot ko.
/You’re so f*****g beautiful, Silvina./ “You look nice,” aniya na ikinatawa ko. Ngayon lang siya nagsinungaling.
“Thanks,” sabi ko naman.
Ako na mismo ang kumapit sa braso niya dahil ang bagal niyang kumilos. Nag-aalangan pa siya kung tama ba ang gagawin niya, pinipigilan ko na lang matawa. Hindi ko akalain na ang isang Lim ay kakabahan sa’kin when in fact people saw him as handsome, serious, and fearless.
Pagpasok namin sa ballroom hall ay dumapo kaagad ang mga mata nila sa amin. Bahagya pa silang nagulat, sino ba naman ako para maging ka-date ni Rico? Well, I’m not just Silvina. I am the Emerald of Ramos. Kaya kong pantayan, scratch that. Kaya kong lampasan si Rico, even Luiz at kahit na sino pa.
I’m loving this attention, it’s like I’m the Queen of this night. Tama rin talaga si mama, I can astonish people.
Ipinakita ko na ang matamis kong ngiti, pagkatapos ay naglakad na kami sa gitna ng red carpet patungo sa aming pwesto na malapit sa stage. Nawala na lang ang ngiti ko nang makita si Luiz at Richy, sila ang kasama namin sa table. Anyway, I should enjoy this moment. Hindi ko na sila dapat isipin.
Nang makaupo kami ay kinuhan naman kami ng litrato.
Since mga college students ang nag propose ng party na ‘to, sila rin ang may hawak ng program. Pagkatapos magpakilala ng head ng college department ay nagsimula na rin ang party. May nagperform talaga sa stage, sumayaw sila. Habang ang mga waiter ay nagbigay ng inumin, champagne. Tahimik lang kami, ni-isa walang nagsalita sa aming apat. Ang atensyon namin ay nasa harap lang talaga.
Mayamaya pa ay may lumapit sa amin. “Next ka na, Richy,” ani ng lalaki na host ng party, a college student.
“Okay, thank you!”
“Ako na sunod, kinakabahan ako!” paniguradong si Luiz na ang kausap niya.
“Good luck,” ani Luiz.
“Best of luck,” narinig ko pang sabi ni Rico.
“Thank you so much, guys!”
Pasimple akong nakikinig sa usapan nila habang ang mga mata ko ay nakatingin lang sa harapan. Naramdaman ko naman ang pagtitig sa akin ni Rico kaya napasulyap ako sa kanya. “Ah,” napatango pa ako. Alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig.
Ibinaling ko na kay Richy ang tingin. “Good luck,” sabi ko na lang din.
“Thank you, Silvina,” at ngumiti pa siya.
“Next! Miss Richy Melich Valencia, let’s give her a round of applause!” pagkasabi ng host ay tumayo na si Richy at umakyat sa stage.
Pinalakpakan naman siya ng lahat.
Nagsimula na rin siyang kumanta dahilan para mas lalong umingay ang paligid dahil maganda ang boses ni Richy. Binalot ng palakpakan at hiyaw ang hall, tila anghel ang nakita nila kaya gano’n na lang sila maka-react. I admit it, she’s really good at singing that’s why she’s in the music club. Her angelic tone of voice controls the atmosphere. Bumagay ang boses niya sa kinakanta niya, love of my life by south border. Hindi ko naman naiwasang mapatingin kay Luiz, he’s smiling, gano’n din si Rico.
I’m going to take this night to you. I’m sorry, Richy.*
Sunod na magpe-perform ay ako na dahil sinabihan din ako ng host. I just nodded.
“Good luck,” ani Rico.
Tinanguan ko lang siya. I don’t need any good luck because I am the luck.
Muling nagsi-palakpakan ang lahat nang matapos si Richy. Pagkatapos, muling nagpakita ang host para ipakilala ang susunod na magpe-perform. “Let’s all welcome, Miss Silvina Emerald Ramos! Let’s give her a round of applause!”
Tumayo na ako, natahimik ang lahat. Wala silang kaalam-alam na kaya may piano sa baba ng stage ay dahil ako ang gagamit non. Pagkaupo ko sa wooden stool ay inayos ko na rin ang posisyon ng aking mga paa sa pedal na aapakan ko sa piano at ang aking mga kamay ay dahan-dahan nang lumapat sa piano keys.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ko na ang aking mga mata para simulan na ang pagtugtog. You’re powerful, Silvina.* muling sumagi sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni mama kasabay nang pagkapa ko sa piano. I am magnificent.*