CHAPTER 5: ROOFTOP

1482 Words
Kasabay nang palakpakan ang pagmulat ng aking mga mata. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang puri at paghanga dahil sa’king talento na ipinakita. Tumayo na ako at nag bow sa kanila dahil tapos na ang palabas. Nagtama pa ang mga mata namin ni Rico, nakangiti siya. Habang si Luiz ay walang ekspresyon sa mukha. Pagbalik ko sa upuan ay binati naman ako ni Richy, she congratulated me and I just smiled. Hindi na nag-abalang magsalita si Rico dahil nabasa ko naman kanina kung gaano siya ka-proud sa akin kaya okay lang kahit hindi niya na sabihin. While, Luiz? I don’t know. Pakialam ko ba sa iisipin niya? May dalawa pang magpe-perform, paubos na rin ang champagne ko. Gusto ko na ngang umuwi pero kailangan pa akong isayaw ni Rico. “At ito na nga! Ang hinihintay ng lahat, let’s enjoy this moment wherein you can now dance with your beautiful or handsome partners!” Dumilim na ang hall kung saan ang liwanag na lang ay nagmumula sa stage. Nagpatugtog na rin sila ng love song kung saan ang mga lalaki ay nagsi-tayuan na para isayaw ang babaeng ka-date nila. Nang tumayo si Rico ay inilahad niya na ang kamay sa akin. “Shall we?” Tumango ako at hinawakan na ang kamay niya. Nang makita nila kami ay gumilid pa talaga ang iba para makadaan kami sa gitna, nilaan nila ang space sa gitna para sa amin ni Rico. Nakarinig pa ako ng bulong-bulungan mula sa kanila na gustong-gusto naman ni Rico dahil sinasabi nila na bagay raw kami, ang ganda ko, ang gwapo niya, girlfriend na ba raw ako ni Rico. Too bad, this is just an act for me. Ang kamay ko na hinawakan niya ay ipinatong niya na sa kanyang balikat, kinuha niya rin ang isa ko pang kamay para do’n ilagay sa kabilang balikat niya at humawak na siya sa baywang ko. Nang gumalaw siya ay sinundan ko na rin kilos niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang marahan kaming sumasayaw sa ritmo ng kanta. “Tell me something about yourself,” gusto niya pa talaga akong makilala. “Hindi pa ba sapat ang nakikita mo?” Bilib din talaga ako sa kanya, kaya niyang makipagtitigan sa’kin. Sa buong buhay ko kapag tumitingin ako sa mga mata ng tao ay hindi sila makatagal. He’s fearless, after all. “All I know is you’re good at everything.” “Tama ka, ‘yon naman ako. May iba pa ba?” Napabuntong-hininga siya. “Your likes and dislikes, Silvina.” “Hmm, wala naman akong gusto,” bahagyang napakunot ang noo niya. “Lahat ng bagay ay pantay-pantay sa akin.” Napatango siya. “Eh, ‘yung mga ayaw mo?” Ngumiti naman ako. “Mga taong magaling magpanggap.” Katulad ko.* Pagkatapos non ay hindi na siya nagsalita, lumayo na rin ako sa kanya nang may lumapit na sa amin. Ilang babae na gustong makasayaw si Rico, iniwan ko na siya dahil dinumog na siya ng mga babae. Paglabas ko sa hall ay nagtungo ako sa pinaka-taas ng gusali, ang rooftop. Gusto kong makalayo sa maraming tao kaya naisipan kong umakyat at doon na lang magpalipas ng oras habang hinihintay si mama, siya rin kasi ang magsusundo sa akin. Mabuti na lang walang tao pagpasok ko. Lumapit na ako sa isang upuan at doon umupo. At dahil sanay akong mag-isa, naramdaman ko muli ang kapayapaan. Mas gugustuhin ko pa rin talagang mag-isa kaysa sumama sa mga party o kung saan madaming tao, mas gugustuhin kong samahan ang dilim. Komportable na ako sa ganitong buhay.  Napatingala ako at napapikit ang mga mata habang pinapakiramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. “Emerald,” nang may tumawag sa akin ay naimulat ko na lang ang aking mga mata saka siya tinapunan ng tingin. Hindi ko naman inaasahan na muli siyang makikita rito. “Luiz,” pagtawag ko rin ng pangalan niya. “Hindi ba dapat nando’n ka sa baba?” “Same question to you,” aniya. Natawa na lang ako sa kanyang sinabi. “Tapos na ako,” sagot ko. “Madami pang lalaki ang nakapila sa baba para mai-sayaw ka, ‘yon pala ay nandito ka,” hindi ko rin akalain na kakausapin niya ako. Akala ko ay wala siyang pakialam sa presensya ko kaya gano’n na lang siya makipag-usap sa akin no’ng una ko siyang makita rito. “Bakit? Isa ka ba sa mga lalaki na gusto akong mai-sayaw?” at tinaasan ko siya ng kilay. He just shrugged, umupo na rin siya sa isang upuan. “Bakit ka nandito?” Naibaling ko ulit ang tingin sa kanya. “Masama ba?” “You’re not answering my question.” “Same to you,” ani ko at siya naman ngayon ang natawa. “Nagbago yata ang mood mo,” wala sa sariling nasambit ko. “Why?” “It’s like you’re casually talking to me right now na parang hindi ka galit sa’kin,” bakit ko nga ba nasabi ‘yon na…Na parang galit siya sa’kin? f**k, dapat ako ang galit sa kanya. “Kailan ako nagalit sa’yo, Emerald?” Emerald talaga ang itatawag niya sa’kin? Pero…Ang ganda pakinggan ng second name ko kapag siya ang—what? No! “I just feel it,” tugon ko. “May pakiramdam ka?” Napairap naman ako dahil sa kanyang sinabi. “Hindi pa ako patay para hindi makaramdam, Luiz.” “Kung gano’n bakit ‘yon ang nakikita ko?” Umiwas na ako ng tingin sa kanya, ibinalik ko na lang ang paningin ko sa kalangitan. “Kung dahil ‘yon sa hindi ko pagpayag kay Richy ay wala ka ng pakialam do’n,” seryosong sabi ko. Napayuko na lang ako nang pumunta na siya sa’king harapan. Sunod na ginawa niya ay napaluhod pa siya para makapantay ako. “Look at me, Emerald,” he demanded. Hindi dapat ako sumunod pero…Sinunod ko siya na walang pag-aalinlangan. “What—“ parang may bumara na lang bigla sa lalamunan ko kaya hindi ko na maituloy ang sasabihin ko o sadyang nasilayan ko ng malapitan ang kanyang mukha kaya ko ‘to nararamdaman? Ang mga mata niyang tila hinihigop ang kaluluwa ko dahil nakikita ko na ang repleksyon ko, ang ilong niyang matangos, ang makinis niyang balat, ang panga niyang bumagay sa hugis ng kanyang mukha at mapupulang labi. “Sinasabi nila na magaling ka sa lahat ng bagay pero hindi ‘yon ang nakikita ko,” napahigpit naman ang pagkakakapit ko sa’king damit. Kahit anong gawin kong pagtitig sa mga mata niya, wala talaga akong mabasa. Hindi ko alam kung anong susunod niyang sasabihin. “You’re weak, Emerald,” at sa gabing ‘to ay nasilayan ko na ang ngiti sa kanyang labi na para lang sa akin. Dapat akong magalit o mainis man lang dahil sa sinabi niya ngunit hindi ko magawa. Kung totoo o biro man ‘yon, ako na ang nagsasabi na tama siya. “You’re so full of yourself, Luiz,” tanging nasabi ko. Gusto ko mang sabihin sa kanya na tama siya, hindi p’wede. Dahil sa tuwing magsasalita ako tungkol sa tunay kong nararamdaman o tunay na isinisigaw ng puso’t isipan ko ay naririnig at nakikita ko si mama. Tumango na lang siya sa sinabi ko at tumayo na at inilahad ang kamay sa akin. “It’s time to go,” aniya. Sa halip na kunin ang kamay niya ay tumayo na lang din ako. “Baka nakakalimutan mo Luiz. We’re rivals here, show me what you’ve got.” Napangisi naman siya. “Okay,” iyon lang sagot niya. “Laro-laro lang ba sa’yo ‘to?” parang wala lang sa kanya lahat ng nangyayari, hindi ko talaga siya maintindihan. “What did you expect? I’m here to study not to compete,” at tinalikuran niya na’ko. Bago pa siya makalayo sa akin ay may sinabi pa siya dahilan para magbago na naman ang isip ko tungkol sa pagkatao niya. “Hindi ako katulad mo pero ito ang tandaan mo, ‘Wag kang iiyak kapag natalo ka.” “I’m not going to lose,” pabulong kong sabi. Because, I have the power to do so.* Iniwan niya na ako at saktong tumunog ang phone ko, pagkuha ko ng phone sa purse ay sinagot ko ‘to agad. “Mom?” “Nandito na ako, Silvina. Where are you? It’s already midnight.” “Okay, papunta na ako,” at pinatay ko na ang tawag. Pagbaba ko ay nakita ko na lang si Rico na mukhang hinihintay ako. Umalis siya sa pagkakasandal sa pader nang makita ako. “Nakasama mo si Luiz, anong ginawa niyo?” tanong niya nang makalapit sa’kin. Nabasa ko sa kanyang isipan na nagkita sila at naitanong niya kung nasaan ako kaya nandito siya ngayon sa harap ko. “Nagkataon lang then nag-usap kami,” sagot ko. Napatango naman siya. Inilahad niya muli ang braso niya para kapitan ko, ginawa ko na lang ang gusto niya. Ang nasa isip ko na lang ngayon ay makauwi na. “Saan sundo mo?” “Parking,” tipid kong sagot. “Sino?” “My mom.” “Iniwan mo ako kanina,” napatingin na ako sa kanya, para siyang nagtatampo. Gusto ko mang matawa ay nawalan na ako ng lakas. “Sorry,” sabi ko na lang. “Inaantok ka na ba?” Napabuntong-hininga ako at tumango. Hindi na siya nagsalita matapos kong sumagot sa kanya. Napahinto na lang ako sa paglalakad nang makita ko na si mama na nakatayo sa labas ng sasakyan. Nang magtama ang mga mata namin ay napabitaw na ako kay Rico. “Salamat. Take care, Dewill,” ani ko. Hindi ko na hinayaang makalapit si Rico kay mama. “See you tomorrow,” aniya bago ko siya tuluyang talikuran. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD