CHAPTER 6: CEMETERY

1175 Words
Pagkatapos ng klase ay nagtungo na ako sa parking lot at naghintay sa waiting shed para makaupo. Napabuntong-hininga na lang ako nang makita si Rico na papalapit sa akin, kasama ko na naman siya. Kanina ay hindi niya rin ako hinayaang mag-isa kumain, kahit na tahimik naman siya ay naiinis na ako. Gano’n ba talaga kapag crush? Para na siyang stalker, kahit sa’n yata ako magpunta ay mahahanap niya ako. “Ano na naman ba, Dewill?” “What? Gusto kitang samahan,” aniya. “You’re starting to annoy me,” seryoso ko namang sabi at napangisi niya. “That’s good then,” napasapo na lang ako sa’king ulo dahil sa sinabi niya. “Magtapa—“ napadako na lang ang tingin ko sa’king phone nang tumunog ito. Sinagot ko na ‘to nang mag flash sa screen ang name ni kuya, driver namin.  “Yes, kuya?” “Pasensya na, Ma’am! Nasiraan po ‘yung sasakyan, matatagalan pa ako bago makapunta riyan.” Napabuntong-hininga ako at muling napatingin kay Rico, abala rin siya sa kanyang phone. “It’s fine, kuya. Magpapasama na lang ako,” at naibaling naman ni Rico ang tingin sa’kin. “Pagkatapos mo r’yan ay umuwi ka na.” “Okay lang ba, Ma’am? Baka magalit si Madam Selina,” aniya. “Ako na ang bahala kay mom.” “Sige po, Ma’am! Salamat po, ingat kayo!” -End- “Hmm, samahan kita?” tanong niya matapos kong ibaba ang phone. “Yeah, if that’s okay with you?” “Of course, saan ba?” at tumayo na siya. “Cemetery,” tugon ko. “Oh, okay,” aniya. Mabuti na lang hindi na siya nagtanong kung sino ang dadalawin ko ro’n. Naglakad na kami patungo sa kanyang sasakyan, may sarili na siyang sasakyan at kaya niya ng mag drive kaya mapapadali ang pagpunta namin sa sementeryo. Habang nagmamaneho siya ay pinindot niya naman ang audio ng sasakyan para makinig ng music. Nanatili lang ang mga mata ko sa labas nang magsalita siya. “Can I ask?” “Hmm?” ang mga mata ko ay nasa labas pa rin, hindi na ako nag-abalang sulyapan siya. “Sino ang dadalawin mo?” tuluyan na siyang nilamon ng kuryosidad. “My dad,” tugon ko. “I’m sorry.” Natawa na lang ako sa biglaang paghingi niya ng tawad. “No need to say sorry, it’s normal for you to asked.” Nang makarating kami sa sementeryo ay bumaba na ako sa kanyang sasakyan, sinabihan ko siya na ‘wag ng sumama pero nanatili siya sa tabi ko hanggang sa makaharap na namin ang puntod ni papa. Ngumiti ako at lumuhod na. “Hi, dad. I miss you,” ani ko, Hindi ko na naisip kung magmumukha akong baliw sa harapan ni Rico, kinausap ko lang ng kinausap si papa. Nagkwento pa ako sa mga nangyari sa school. “I’m sorry, ngayon na lang ulit ako nakadalaw pero sabi sa’kin ni mama ay bago siya umuwi dinadalaw ka niya rito. Hindi ka naman siguro nag-iisa r’yan?” Pagkatapos nagpaalam na ako kay papa. “I love you,” at tumayo na ako. Pagharap ko kay Rico ay ngumiti ako sa kanya. “Thank you,” sabi ko. Mabuti na lang ay sinamahan niya ako dahil sa kanya ay umatras ang luha ko. Hindi kasi ako umiiyak kapag may kasama akong ibang tao, sarili ko lang ang nagiging sandigan ko kapag ako’y umiiyak, walang iba na makakaalam. “Anytime,” tugon niya at ngumiti na rin. “Uwi na tayo,” ani ko at tumango naman siya. Pagsakay namin sa sasakyan ay muli siyang napatanong. “What happened to your father?” Pinaandar niya na ang sasakyan. “He died from cancer,” sagot ko at napatango siya. “Where’s your house? Hatid na kita.” Sinabi ko na sa kanya ang address ng bahay namin at nagsimula na siyang magmaneho. Nang makarating na kami sa bahay bago ako bumaba ay nabasa ko pa sa kanyang isipan na kinakaawaan niya na’ko. “Dewill, I don’t need your pity. Don’t look at me with your eyes like that.” Napansin ko naman ang paggalaw ng adam’s apple niya. “I’m sorry,” inamin niya. Muli akong ngumiti. “I’m fine, Dewill. Thanks for accompanying me.” “Wait,” aniya at napalingon ako sa kanya nang hawakan niya ang braso ko. “I..Nothing,” at binitiwan niya na’ko. /I know that you’re strong and you don’t need a man like me but I just want you to know that I’m here./ Mabuti na lang hindi mo tinuloy, hindi ko alam kung anong isasagot ko.* Ngumiti na lang ako at tuluyan nang bumaba sa kanyang sasakyan. Pumasok na lang ako sa loob nang makalayo na ang kanyang sasakyan. Sometimes, I hate my ability. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay binati naman ako ng mga katulong, nginitian ko lang sila at dumiretso na ako sa taas para makapagpahinga muna bago dumating si mama. Naalimpungatan na lang ako nang marinig ang pagbukas ng pinto, bumangon na ako nang makita si mama. Lumapit na siya sa’kin at umupo sa tabi ko. “May problema ba, mom?” tanong ko. Nabasa ko kasi sa kanyang isipan. “Nothing, tiningnan ko lang kung gumagana pa ang kapangyarihan mo,” at ngumiti siya. Napakunot naman ang noo ko. “Posible ba na mawala ‘tong ability ko, mom?” Umiling siya. “Hindi ‘yon mangyayari,” paninigurado niya. Napabuntong-hininga na lang ako. “Hindi na kita masasamahang kumain mamaya, Silvina. Kailangan kong umalis ng bansa para sa business ng daddy mo. Mamayang gabi na ang flight ko.” “Kailan ka babalik, mom?” “After 3 months,” napatango naman ako. “Nagkaproblema sa US kaya kailangan ko pumunta ro’n.” “Take care, mom.” Hinaplos niya naman ang buhok ko. “I will, lalo na ikaw. May bodyguard ka ng makakasama kapag ihahatid at susunduin ka, mas mabuti ng nababantayan ka kahit na wala ako.“ “Mom, hindi ba p’wede na ‘wag na lang? Wala namang masama na mangyayari sa akin.” “This is for your own good, Silvina. Ilang buwan akong wala, hindi kita mababantayan. Just listen to me, okay?” Muling ako napabuntong-hininga at tumango na lang.  “Sinabi sa akin ni Gio,” pangalan ng driver namin. “Na may kasama ka nang magpunta sa sementeryo kanina, who is it?” Wala na sana akong balak na ipaalam kay mama ngunit heto siya, alam niya na. Wala talagang maitatago sa kanya. “Si Rico, he’s my classmate. Anak ng may-ari ng school.” “Rico? What’s his surname?” “Lim,” sagot ko. “Okay lang na sumama ka sa kanya, mukha namang mapagkakatiwalaan siya.” Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Why? Anong meron sa kanya, mom?” Dapat ang sinasabi niya sa’kin ngayon ay lumayo ako kay Rico ngunit iba ang lumabas sa bibig niya. Binasa ko rin ang nasa isipan niya ngunit wala namang kakaiba. “Nothing, at least he can be your friend, right?” Napailing naman ako. “What’s happening to you?” hindi ako makapaniwala. “Hindi ba dapat maging masaya ka? I’m letting you, Silvina.” “But, why—“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang yakapin ako ni mama. “Silvina, huwag mong kakalimutan lahat ng mga tinuro ko sa’yo, ha?” Muli akong napabuntong-hininga. “I know, mom.” “Good,” at kumalas na siya sa kanyang pagkakayakap. Lumabas na siya sa kwarto at napahiga na lang ulit ako. Aalis nga, bantay-sarado pa rin ako.* Nang sumagi muli sa isip ko ang sinabi ni Rico ay napabangon ulit ako. “Posible kayang may alam siya tungkol kay mama?” naitanong ko na lamang sa aking sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD