Matapos magsaya ng mga students for 2 weeks ay dumating na ang first week of classes for the 3rd week of the month. 1st quarter, madami ng nakaabang na activities and projects sa amin. Kahit na umalis na si mama ay sinusunod ko pa rin siya, hindi ako naging pabaya sa pag-aaral ko. At saka, may nakabantay pa rin sa akin.
Pagsapit ng hapon ay nagkaroon kami ng vacant time, mananatili lang sana ako sa classroom nang yayain ako ni Rico na manood ng laro nila sa soccer field.
Tumango na lang ako at sumunod na sa kanya, dala-dala ko pa rin ang novel na binabasa ko incase na ma-bored ako.
Pagdating namin sa soccer field ay sinalubong naman kami ni Luiz at Richy.
“Hi, Silvina!” she’s really kind. Kahit na napahiya ko siya ay mabait pa rin siya sa’kin.
“Hello,” ani ko at ngumiti na rin sa kanya.
“Maglalaro muna kami,” sabi naman ni Luiz at inakbayan na si Rico.
Tango lang ang naging tugon ko sa kanila.
“Good luck!” ani Richy at hinawakan niya naman ang kamay ko at dinala na ako patungo sa bleachers para maupo. “Panoorin natin sila, alam mo ba na lumalaban na sila sa iba’t ibang school? They really love to play soccer.”
“Matagal na kayong magkakilala ni Luiz at Dewill?” naitanong ko naman.
“Actually, si Rico ang matagal ko ng kilala. He’s my childhood friend and magkilala rin talaga ang parents namin. Habang si Vincent ay 2 years pa lang,” nakangiting aniya.
Napatango ako. “Pero ba’t parang mas close ka kay Luiz?” I asked, out of curiosity.
“Oh! Nahiwalay kasi ako kay Rico, nasa section B na ako, ‘di ba?”
“Oh, right. But, why though?”
“My family was cool with it, nalaman ko na okay lang sa kanila na hindi gano’n kataas ang grades ko kaya hindi ko na hinayaang ma-pressure ang sarili ko,” paliwanag niya.
Malayo talaga ang buhay ko sa kanila, tanggap ko naman na.
“That’s nice,” ani ko.
“How about you?”
Naibaling ko na ang tingin sa kanya. Masaya siyang pinapanood sila Luiz na naglalaro, ibinalik ko na rin ang paningin sa harapan. “What about me?” naitanong ko rin.
“I admire you kaya! Ang galing mo at ang ganda-ganda pa!”
Bahagya naman akong natawa at napatingin muli sa kanya na ngayon ay nakatingin na rin siya sa’kin. Confirmed, she’s not like them. Hindi siya katulad ng ibang tao na naiinggit o may galit sa’kin. “Thank you, Richy,” sinserong sabi ko. She can be my friend but my mother will surely not allow it. Sa mga mata niya, kalaban ko lahat ng mga babae kaya hindi ako p’wedeng magpatalo.
Wala talaga akong naging permanenteng kaibigan.
“You’re welcome!” at ibinaling niya na ang tingin sa harapan.
Tinuon ko na lang din ang atensyon ko sa harapan, kasalukuyan nang nagpapasahan ng bola sila Rico. Napapalakpak naman si Richy nang ma-isipa muli ni Rico ang bola papasok sa net. Tuwang-tuwa naman ang ka-teammates niya.
“Pagdating talaga sa sport na ‘yan sobrang galing ni Rico habang si Vincent ay palaging nakasuporta kay Rico, kapag sa teamwork magaling talaga sila,” sabi pa niya.
“Yeah, what about Luiz? Saan siya magaling?” tanong ko naman.
Gusto ko lang mas makilala pa si Luiz dahil napaka-misteryoso niya para sa akin. Hindi ko mabasa ang isipan niya, hindi ko siya maintindihan kung galit ba siya sa’kin o gano’n lang talaga ang personality niya o may tinatago rin siya? Dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa kanyang isipan.
“Hmm, may pagka-similarity kayo.”
Napangiwi na lang ako nang marinig ko ang sagot niya. “What?” at napadapo ang tingin ko kay Luiz na ngayon ay sinisipa ang bola.
“For me, magaling din kasi siya sa acads, eh. He can also play some instrument. Tapos, ‘yung personality niya ay parang katulad lang din ng sa’yo.”
“Seriously?” at napatingin ulit ako sa kanya.
Tumawa naman siya at tumango. “Based on my observation,” at saka nagkibit-balikat.
Napabuntong-hininga na lang ako. Ang layo kaya.*
Pagkatapos nilang maglaro ay dali-dali namang bumaba si Richy para lapitan sila Luiz. Nanatili lang naman ako sa aking pwesto habang pinagmamasdan sila. They’re all happy together, parang nakiki-feeling close tuloy ako sa kanila and I don’t like that idea.
Tumayo na ako dahilan para mapukaw ko ang atensyon nila, napatingin sila sa’kin. Pagkababa ko sa bleachers ay tinalikuran ko na sila. Ayokong makipagkaibigan, masisira ko lang ang samahan nila. Kahit na pumayag si mama about kay Rico, ‘wag na lang. Para wala ng problema.
Pagbalik ko sa classroom ay wala pang tao. Nagtungo na ako sa’king upuan at nag lay down, I’ll rest for a bit. Ilang oras na lang naman ay last subject na namin. Nai-angat ko na lang ang aking ulo nang maramdaman ang jacket na bumalot mula sa aking likuran. Napahawak ako ro’n at napabuntong-hininga. “I’m fine, Dewill,” ani ko at binalik na sa kanya ang jacket niya. Nandito na siya, nakapagpalit na rin siya ng damit.
“Umalis ka na lang bigla kanina,” aniya.
“So?” Hindi niyo nga ako pinigilan.*
“Hindi mo ba kami nakikita bilang kaibigan mo?” at napatingin na siya sa’kin.
“Lahat ng tao rito ay hindi ko kaibigan, Dewill,” seryosong sabi ko at napaiwas ng tingin sa kanya.
“Why?”
“Oh, come on! Ano bang pakialam mo?” hindi ko na napigilan, naiinis na ako.
“Hindi pa ba obvious na may pake ako sa’yo?” his brows furrowed.
Alam na alam ko, Rico. Ayoko lang na gan’yan ka.*
Magsasalita pa sana ako pero pinili ko na lang na manahimik. Napailing na lang ako at napatingin sa bintana. “Kung ayaw mo, edi ako na lang,” bahagya namang napaawang ang labi ko, ibinaling ko muli ang tingin sa kanya. “From now on, you’re my friend.”
“Ang kulit mo,” inis ko namang sabi sa kanya.
“I know and it’s first time, Silvina. Everything is first time for me when I’m with you, hindi ko akalain na gagawin ko ‘to para lang mas mapalapit sa’yo.”
And now, I don’t know what to say. He just casually said that! Hindi ko man lang nakita sa kanyang mga mata ang kaba o hiya. Sinsero niyang sinabi ‘yon na parang madali lang sa kanya ipahayag ang damdamin niya. Gano’n lang kadali sa kanya habang ako? Hindi ko kaya.
“I hate you,” mahinang sabi ko na narinig naman niya.
Bahagya siyang natawa. “Well, I like you,” tugon pa niya na mas lalong nagpainis sa akin.
“You—you’re—“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may pumasok ng mga kaklase namin.
Now, what? Did he just confess to me or what? Ugh!
Pagkatapos ng klase ay dali-dali akong lumabas sa classroom, hinabol niya naman ako. Hindi ko siya nilingon, binilisan ko na lang ang lakad ko. Napahinto na lang ako nang mahawakan niya na ang braso ko. “Dewill, p’wede bang tigilan—“ paglingon ko ay hindi si Rico ang tumambad sa akin kundi si Luiz. “Luiz.”
Saan naman napunta si Rico?*
“Where are you going?” tanong niya.
“Uwian na, ‘di ba? Ano pa bang gagawin ko rito?” at tinanggal ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko.
“May meeting sa auditorium about clubs na magbubukas na next week,” aniya.
Kaka-announce lang din. Umalingawngaw ang boses ng isang babae sa speaker, ipinaliwanag niya na magkakaroon nga raw ng meeting sa auditorium hall.
Napabuntong-hininga na lang ako. “Okay,” sagot ko at sumabay na sa kanya.
Kahit na pinagtitinginan na kami ay wala lang din sa amin. Paniguradong ang nasa isipan na nila ngayon ay punong-puno ng katanungan o baka tsismis pa, hindi naman ako nagkamali nang mabasa ko ‘yon sa isang estudyante. /Kala mo naman kung sino, mukha namang malandi./ Mapapailing ka na lang, nakakadismayang mabasa ang kanilang isipan.
Hindi ko naman inaasahan na kakausapin niya pa ako habang kami ay paakyat na patungo sa auditorium hall. “Si Rico at Richy ay magkasama ngayon. Rico will represent sports club while Richy will represent music club,” paliwanag niya. Kaya pala bigla na lang nawala si Rico, si Luiz tuloy ang nakasama ko.
Tumango na lang ako.
“Kung naiinis ka na kasama mo ako, don’t be. Inutusan lang ako ni Rico na samahan ka dahil maiiwan ka niya,” sabi pa niya.
“Bakit ka sumunod? Kaya ko namang mag-isa,” ani ko.
“Kung hindi ko sinabi na may meeting ay uuwi ka na, edi hindi mo—“
“Fine, just shut up.”
Natawa na lang siya sa sinabi ko. Nakaraan parang ibang tao siya, ngayon naman hindi ko alam, ang gulo-gulo niya!
Pagpasok namin ay ro’n lang kami nagkahiwalay dahil napaupo ako sa tabi ng mga kaklase ko kung saan doon ang designated area naming, habang sila Luiz ay nasa likod namin.
“Ikaw, Silvina? Anong club ang gusto mong salihan?” tanong naman ni Ira, katabi ko.
“Kahit ano,” tugon ko.
“Sabagay, kahit saan naman ay paniguradong makakasali ka.”
“Ikaw ba?” at tiningnan ko na siya.
Ngumiti naman siya. “Theatre club!”
Tumango ako. “That’s nice,” ani ko.
“I know right, gusto ko kasing umarte.”
Mapipili rin talaga siya dahil kitang-kita ko naman sa kanyang mga mata na gusto niya talaga ‘yon. Habang ako, hindi ko nga alam kung anong paborito ko o kung ano talaga ‘yong gusto kong gawin. Hindi nga ako makapagdesisyon sa sarili ko, ‘yon pa kaya? Si mama ang palaging pumipili o nagde-desisyon sa buhay ko.
Natahimik na lang ang lahat nang umakyat na ang coordinator ng high school department. “Good afternoon, students!” bati niya at sinimulan na ang pagpapaliwanag sa iba’t ibang club na p’wede naming salihan next week. Umakyat na rin ang mga representative ng bawat club. Dumapo ang mga mata ko kay Rico, parang may hinahanap siya. Sumilay na lang ngiti sa labi niya nang makita ako.
Inirapan ko na lamang siya, napansin ko naman ang bahagyang pagngisi niya.
“May something ba sa inyo ni Rico?” naitanong ni Ira kaya naibaling ko ang tingin sa kanya.
“Why?” tanong ko rin.
“Wala kasing pinapatulan na babae ‘yan, eh. Ang cold kaya niyan sa mga babae tapos nakakatakot pa pero gustong-gusto siya ng lahat dahil sa cool nga raw,” natawa naman ako sa sinabi niya. “I know it’s funny tapos nang dumating ka, parang nagbago siya. Ikaw ang kauna-unahang nilapitan niya. Madalas pa namin kayo nakikitang magkasama.”
“Walang namamagitan sa amin, Ira,” sagot ko naman.
“Weh?” singit naman ng katabi niya, si Janel.
“Yes, we’re just close, I guess?” sabi ko pa.
“Nako, girl! Diyan nagsisimula ang lahat,” ani Janel.
Patango-tango naman si Ira, sumasang-ayon siya kay Janel. But, not me. Hindi ako gano’n. At hindi ‘yon mangyayari, malabo.
Hindi ko na nai-alis ang paningin ko kay Rico habang siya ay nagsasalita. Ngayon ko lang siya nakitang magsalita sa harap ng maraming tao, the tone of his voice speaks authority and persuasiveness. Paniguradong madaming sasali sa club na hawak niya, gano’n din kay Richy. Sa mala-anghel niyang anyo, nakukuha niya rin ang atensyon ng lahat. Ngunit, magbabago ‘yon oras na ako na ang maging sentro ng atensyon at atraksyon ng school na ‘to na gustong-gusto mangyari ni mama.
Matapos ang meeting ay lumabas na ako. Tinawagan ko na rin si kuya para sunduin ako na kanina pa pala naghihintay sa akin. Pagtungo ko sa parking lot ay napalingon na lamang ako nang marinig ko ang isang tinig. “Emerald!” si Luiz lang naman ang tumatawag non sa’kin.
“What?”
“Here,” kinuha ko naman ang papel na inilahad niya. Tungkol sa music club. “Umaasa pa rin si Richy na sasali ka sa music club.”
Tumango na lang ako at akmang tatalikuran na siya nang magsalita ulit siya. “But, if you really don’t want to it’s fine. She’ll understand.”
“Okay,” mahinang sabi ko at tinalikuran na siya.
Napaatras na lang ako nang tumambad ang dalawang gwardiya na papalapit na sa’kin. “Kilala mo sila, Emerald?” nandito pa pala siya, si Luiz. Muli akong napalingo sa kanya, tango na lang ang naging tugon ko.
“Let’s go,” ani ko sa mga gwardiya at umalis na kami.
Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kwarto at dali-daling humiga sa kama, napabangon na lang ako nang tumunog ang phone ko. Alam kong tumatawag na si mama kaya sinagot ko na ‘to. Pagkatapos ay nagbihis na ako at bumaba, kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag knowing na wala rito si mama.