Sunday nang hapon ay nakabalik na ako sa Pilipinas, pinabalik kaagad ako ni mama kaya isang gabi lang ako ro’n. Tuloy pa rin ang pa-party nila Richy. Papunta na ako sa bahay nila dahil nai-send naman na ni Richy ang address nila, mabuti na lang pinayagan ako ni tito. Huminto na lang ang sasakyan nang makarating na kami sa harap ng bahay nila. “Thank, Tito,” ani ko bago bumaba. “Message mo na lang ako kapag susunduin na kita. Have some fun,” nakangiting aniya. Tumango na lang ako at bumaba na sa sasakyan. Paglabas ni Richy sa kanilang bahay upang papasukin ako ay dali-dali niya naman akong niyakap. “Yey! Mabuti na lang natuloy ka,” nakangiting sabi niya. Pagkalas ko sa kanyang pagkakayakap saka ko lang siya pinasalamatan. Isang araw na naman na kasama ko sila kung saan magiging mas

