Makalipas ang dalawang araw na pagpapahinga, bagong barangay naman ang pinuntahan namin mula sa Nueva Ecija. Dito na kami matutulog, ipinasyal muna kami ng barangay captain sa kanilang lugar pagkatapos dinala niya na kami sa bahay na tutuluyan namin. Parang retreat house, sa gitna may fountain at bukod-tangi ang mga halaman na nasa paligid. Pagpasok namin sa loob ay nagkaroon muna ng meeting para sa mga gagawin. Umupo kaming mga babae sa sofa habang ang mga lalaki ay tumayo na lang. Magkakasama na ang anim na section sa loob ng retreat house, nagkasya naman kaming lahat dahil sa tatlong section limang estudyante lang ang pinayagan na sumali. Ang madami ay kaming nasa section A, B, at F. Ipinaliwanag ni sir ang gagawin namin ngayong araw, ang maglinis at tumulong sa pagtatanim ng mga b

