Kasalukuyan akong naglalakad sa gitna kung saan pinapagitnaan ako ng mga pulang rosas na nakatanim dito sa farm. Nandito ulit ako sa Baguio, dalawang araw kami rito. Kahit na umaga pa lang, malamig na ang simoy ng hangin. Napatikhim na lang ako nang may bumulagang rosas mula sa taas ng noo ko. “Sergio!” sigaw ko at tama nga ang hinala ko nang magtungo na siya sa harapan ko. “Relax!” aniya at binigay naman ang rosas sa ‘kin. “Ayoko na ro’n, kung ano-ano na naman kasi ang pinag-uusapan nila.” Kaya rin ako lumabas sa mansyon ay dahil may pinag-uusapan na silang importante, mas gugustuhin kung hindi na lang makinig lalo na’t ang usapang ‘yon ay tungkol na sa nangyayari sa State. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako tinatawagan ni mama. Mabuti na rin ‘yon, hays. “Kaya naisipan mong guluhi

