“Akalain mo nga naman pagsasamahin na tayong tatlo,” ani Camille matapos magpaliwanag ni sir. Tiningnan ko lamang siya. Habang si Luiz ay binabasa na ang check list na binigay sa kanya. Hindi pa kami umaalis dahil nasa faculty pa kami, nandito kami dahil sa mahalagang anunsyo ni sir. Wala kaming makakasamang guro ngayong araw, pinaubaya ng mga guro sa amin ang mga gagawin sa barangay. General cleaning ulit, hindi nga lang sa bahay-ampunan kundi sa buong barangay na kung saan magsasama-sama na ang mga 4th year high school. “Naiintindihan niyo ba?” ani sir. “Yes, Sir!” tugon namin. “Take care, everyone. Makinig sa paalala ng barangay captain doon, siya ang bahala sa inyo,” sabi naman ng isang guro. “Noted, Ma’am!” Pang-limang araw na namin sa barangay na ‘to. Next week, ibang ba

