Maaga akong nagising dahil madaling araw pa lang dumating na si tita para gambalain ang mahimbing kung tulog. The moment she entered the room, she screamed that there’s fire and we need to evacuate, agad akong napabangon non ngunit nang mabasa ko ang isipan niya, napabuntong-hininga na lang ako dahil nagbibiro lang siya, tinawanan niya pa talaga ako. Magkaibang-magkaiba talaga sila ni mama. Sabado na nga pala kaya nandito siya, sasamahan ko siya sa hacienda. “Tita, 4 am pa lang!” padabog ko namang nililigpit ang higaan ko habang nagrereklamo. “Baka ma-traffic tayo! Kaya huwag ka ng mag-inarte diyan,” aniya saka humalukipkip habang pinapanood na ako na papunta at pabalik-balik sa closet dahil hindi ako makapili ng susuotin. “Damit na lang, Silvina. Nahihirapan ka pa?” natatawang sabi n

