“Bilisan mo naman, Silvina!” Napairap na lamang ako sa pagmamadali ni Ira, siya ‘tong yaya ng yaya sa’kin na sumama sa kanya tapos ngayon nagrereklamo siya dahil ang bagal ko. Kasalukuyan kaming tumatakbo patungo sa gym dahil may laro ang section A at B ng volleyball, friendly game naman. Pinayagan kami na gamitin ang gym after class, walang club ngayon dahil pahinga raw namin. Imbis na umuwi na ako, heto ako manonood din. Hindi na ako makaangal dahil kay Ira na mapilit talaga. Pagdating namin, sa unahan kami pumwesto kung saan makikita talaga namin kung sino ‘yung mga maglalaro. Expected na si Luiz at Rico ay magkalaban, soccer talaga ang sports nila pero marunong din silang mag volleyball. Siguro sa lahat ng sports na may kinalaman sa bola ay marunong sila. Hindi man sila ‘yung cap

