Pangatlong araw namin sa bahay-ampunan mas naging malapit ako sa mga bata. Kasalukuyan namin silang tinuturuan ngayon, katulad ng pagbasa at pagsulat. Kami ni Luiz ang numero-unong taga-turo sa mga bata, hindi na mawala-wala ang ngiti sa labi ko dahil lumulundag na sa tuwa ang puso ko. Masaya akong tinuturuan ang mga bata lalo na’t may natututunan sila sa amin. Hindi ko rin akalaing mas mapapalapit pa ang kalooban ko kay Luiz. Buong araw nakangiti rin siya kahit na pagod na siya, mas madami kasi siyang ginawa sa amin. Nandito nga ako para tulungan siya ngunit inaako niya naman lahat ng responsibilidad. Iniisip ko nga na kaya siya gan’yan para mas mataas ang makuha niyang grado sa evaluation ngunit hindi ‘yon ang nakikita ko. “Tubig,” aniya at binigay na sa ‘kin. “Salamat,” sambit ko

