Napabuntong-hininga na lang ako habang hinihintay si tito. Hindi muna ako pinasali ni sir sa kahit anong activities, nandito ako nakaupo sa lobby ng bahay-ampunan habang ang mga kaklase ko ay nasa likod ng bahay na ‘to kung saan kalaro na ang mga bata. Gusto talaga akong pauwiin ni mama, kahit anong sabihin ni sir ay wala ring epekto sa kanya kaya nandito ako ngayon mag-isang naghihintay sa pagdating ni tito. “Silvina.” Napatayo na lang ako nang makita si Rico, lumapit na siya at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko at pinaupo na ulit ako. “What happened?” tanong niya. Ngayon lang kami nakapag-usap dahil kanina abala sila ni Richy sa mga bata sa dining area kaya si Luiz ang nakasama ko. “P’wede ka ba rito? May ginagawa pa kayo, hindi ba?” “Oo, pero nagpaalam naman ako

