“Good luck and take care,” ani tita Shiela pagkatapos niyang kunin ang dalawang handbag ko sa compartment ng sasakyan. Siya ang naghatid sa akin. “Thank you, Tita,” sabi ko at kinuha na ang bag sa kanya. “Make us proud,” dagdag niya. Ngumiti na lamang ako at nagtungo na sa auditorium dahil doon kami magkikita-kitang lahat. Kaagad naman akong nilapitan ni Rico nang makita niya na ako, kinuha niya ang isang bag ko. Akala ko’y magagalit siya sa akin pero hindi naman, wala akong nabasang kakaiba sa kanyang isipan. I guess, alam niya? Paglapit namin ni Rico sa aming mga kaklase ay binati naman nila ako. “Hello,” tugon ko sa kanila. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin tungkol kay Sergio?” tanong ko naman kay Rico pagkaupo namin. “Why? May dapat ba akong malaman?” mukha siyang galit p

