Nang malaman ni Sergio ang sikreto ng pamilya namin ay palagi niya na akong kinukulit. Ang ingay niya na kapag kaming dalawa lang, wala na rin siyang pakialam kung mas matanda ako sa kanya. Binabawi ko na lahat ng mga sinabi ko, kung mag-ingay ang lalaking ‘to ay patago. Napapailing na lang ako kapag nangungulit na siya tungkol sa ability ko. “Alam din ba nila manang?” hindi pa rin matapos-tapos ang pagtatanong niya kung sino ang mga nakakakaalam. “Oo naman, hindi sila magtatagal dito kung hindi nila isi-sikreto ang kakayahan ko. Lahat ng mga nagtatrabaho dito ay dumaan muna sa mga kamay ni mama,” sagot ko. “Nakakatakot talaga siguro mama mo,” aniya. Sinabi mo pa.* Sa kabila ng pangungulit niya, alam kong hindi niya naman ‘to ipagsasabi sa iba kahit sa Ina niya pa at kapatid, nang

