Nagawa ko ng pumasok sa iba’t ibang booth, maliban sa isa. Ang jail booth kung saan kinukulong nila ang mga estudyante, depende sa kung sino ang mga huhulihin. Hindi naman ako nagpapahuli kaya safe ako. Natapos ko na rin ang mga sinalihan kong laro, lahat sila ay nagawa kong talunin. Buong buhay ko, ngayon lang ako naging masaya sa intrams. Kahit na gabi-gabi hindi ako makatulog kakaisip kung paano kami magbabati ni Rico. Last day na kasi ng intrams pero hindi pa rin kami okay ni Rico. Nauubusan na nga ako ng ideya kung ano pa bang p’wede kong gawin para lang maging okay kami. Sinasabi naman ni Luiz na hayaan ko na lang, gano’n din si Richy kasi kusa naman akong kakausapin ni Rico pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari sa paghihintay ko. “Go, Ace!” ani Janel. May dala pa siyang

