Pagkatapos ng Christmas break ay balik klase na ulit sa paaralan. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ni mama ng breakfast, wala na kasi ang mga kapatid ni mama. Parang bumalik lang din ulit ako sa dati, walang ganang babangon at bababa para kumain kasabay si mama. Magsasalita lang ako kapag kailangan kong sumagot. “Silvina, tapusin mo na kung ano man ang relasyon niyo ng Luiz na ‘yon. Ayokong makita na malapit pa rin kayo sa isa’t isa lalo na’t engaged ka na kay Rico.” “Okay,” tanging sagot ko. “Simula ngayon susunduin ka na ni Rico. Palagi na kayong sabay papasok at uuwi.” “Okay,” muling tugon ko. “Silvina, you kno—” “I know, Mom—” pagtitimpi ko. Matapos kong kumain ay umalis na lang ako nang walang paalam sa kanya. Tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya nilingon. Pag-akya

