“Uuwi na kayo bukas?” tanong ko matapos kong pumasok sa kwarto ni Sergio. Nalaman ko kasi kay Sean kaya naisip ko na kausapin na si Sergio dahil baka hindi na kami magkita o ‘di kaya matagal pa. Napailing na lang ako nang makita siyang nakadapa sa carpet habang naglalaro ng video game. “Hey, cousin,” aniya habang naglalaro. Hindi man lang pinansin ang tanong ko. “Sergio, usap tayo?” seryosong saad ko. Kaagad naman siyang napabangon at lumapit na sa ‘kin, natawa na lang ako dahil nagpatalo na lang siya sa nilalaro niya para makausap na ako. “Ano? Kailangan mo na ba ng tulong ko?” gustong-gusto niya talaga akong tulungan. Ngumiti ako at umiling sa kanya. “Hindi na, Sergio. Pero salamat, p’wede ka na talaga maging kuya ko,” napabuntong-hininga naman siya. “Hindi ko alam kung matut

