Ngayong araw dapat kami magkikita ni Luiz pero mukhang malabo nang mangyari. Binuksan ko ang pinto patungo sa balcony, paglabas ko ay napadako na lang ang paningin ko sa labas ng gate. May gwardiya pa rin sa labas at loob ng bahay. Parang nakabalik na naman ako sa kulungan, hindi ako makahinga ng maayos. Ayoko namang bumaba at makita pagmumukha nila, nandito ako sa loob ng kwarto nagpapalipas ng oras. Kapag kakain, hinahatiran na lang ako ni Lita. Mabuti nga sinasamahan niya pa ako, kahit papaano may nakakausap ako. Si Sergio naman, hindi ko pa nakakausap. Pagbalik ko sa loob ay bumalik na lang ako sa pagkakahiga. Napabangon na lang ako nang biglang pumasok si mama. “Maligo ka at aalis tayo,” utos niya. “Saan tayo pupunta?” “Namatay ang lola ni Rico,” nanlaki na lang ang mga mata ko

