It’s already 5 pm, nandito na kaming lahat sa auditorium upang tunghayan na kung sino ang mananalo. “Ito na!” narinig ko namang sabi ni Janel. “Nasusuka na naman ako,” sabi pa ng isa. “Panalo kaya tayo?” ani Ira. “Hindi,” sagot ko at naramdaman ko na lamang na halos lahat sila ay napatingin sa akin. Sigurado akong hindi na kami mananalo dahil malakas na ang kutob ko na gano’n ang mangyayari lalo na’t maganda ang naging performance nila kanina, masyado ko silang minaliit kaya siguro kinarma ako ngayong araw. At isa pa, nagawa akong talunin ni Luiz at nalaman ko pa sa isipan ni Ira na prodigy ang taong ‘yon. “Uy, Silvina! Proud pa rin naman kami sa’yo, huwag mo nang isipin ‘yon.” “Oo nga, ikaw pa rin ang winner!” Mas lalo lang akong nahihiya dahil sa pinagsasabi nila, napabunton

