“Are you okay, Silvina?” Napabuntong-hininga na lamang ako at tumango kay tita. “Hindi naging maganda ang usapan namin kagabi, Tita,” ani ko. “Halata nga,” at napabuntong-hininga rin siya. “Tumawag ba siya sa’yo?” tanong ko naman. “Yeah, but don’t worry. Everything is fine, ako ng bahala sa mommy mo.” Napatingin na lamang ako sa pagkain, hindi ko na magalaw-galaw dahil nawalan na naman ako ng gana. “Sabi niya, babalik ako sa dati kapag hindi ako umayos. Ayaw niya talaga akong natatalo.” “Look at the bright side, hindi ka pa niya nahuhuli,” at ngumiti siya. Hindi pa nga niya ako nahuhuli sa ibang bagay ngunit ‘yung nangyaring program sa school ay alam niya. Umiling naman ako. “Tita, mayroong nakakausap si mama sa school tungkol sa mga ginagawa ko. Nilihim ko sa kanya ang tungk

