Chapter 01
Kathy's POV
Maayos kong nilapag sa damuhan ang hiniram kong libro sa library, ang sungit pa nga nong librarian mukhang wala atang tiwala sakin na magpahiram. Sus babalik ko din naman agad e
Andito ako sa garden, dito kasi yung lagi kong tambayan pagka walang klase atsaka iwas na din sa mga papansin dyan, like mga bully ganon na akala mo naman may maipagyayabang e puro mga bulakbol lang naman ang alam e, sayang lang ang binabayad ng parents nila para sa tuition. Naku mga kabataan talaga ngayon.
Inayos ko ang salamin sa mata para maayos kong mabasa ang laman ng librong hiniram ko, actually hindi naman talaga ako yung estudyante na masipag mag-aral, wala lang trip ko lang to' kasi naman dahil sa kakabasa ko sa w*****d kung ano-ano nalang ang naiisip ko, o di kaya'y mga naiimagine ko.
Alam niyo ba na gustong-gusto ko talaga basahin yung mga may action,thriller yun bang may pasuspense ganon! tapos ang cool pa ng babaeng main character don, magaling siyang makipagsuntukan tapos matapang ganon, pero alam niyo kung ano ang pinakahate ko? Lovestory! Urgh ayoko talaga magbasa ng ganyang genre, hindi naman sa better ako pero duh ayoko masyadong nakakainis, ewan ko ba. Last time kasing nagbasa ako ng ganyan nasaktan lang ako, at iyak ako ng iyak doon din ako nagkaroon ng trust issue, atsaka aaminin ko, wala pa akong first love. Gusto ko ding magkaroon ng lovelife pero ayoko naman masaktan , kaya stay single nalang para mo boyfriend, no problems diba.
"Bakit ba hindi mo nalang sabihin dyan sa pangit na yun na ginagamit lang natin siya!"
"Babe, hindi ganon kadali yon. Alam mo naman na si Ariana lang ang pag-asa natin para hindi tayo mabagsak, hayaan mo kapag nakuha tayo sa dean list hihiwalayan ko siya agad, relax ka muna babe."
Napatigil ako sa pagbabasa ng makarinig ako ng tila nagtatalo. Andito ako sa pinakatago at natatakpan ako dito ng malalagong dahon, at don't worry wala namang ahas dito kasi alagang-alaga ito ng hardinero.
Sumilip ako upang tignan kong sino ang mga yon. Sila Red at Jelai lang naman pala, naku ang dalawang yan. Mga classmate ko sila sa dalawang subject nga lang, lagi kong nakikita itong si Red na kasama yung may salamin din kagaya ko pero mas nerd yun keysa sakin, si Ariana yun laging nakabraid ang buhok niya tapos may mga tigyawat pa. Aha, mga manloloko pala tong mga to' eh.
Mula dito sa inuupuan ko ay rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa. "Okay babe, but masyado ka naman atang kumakapit sa kaniya, nakakaselos yun ha." sabi ni Jelai with pout pa. Sus parang pato akala mo naman ikina-cute nya yan, pwe. Ang arte talaga akala mo naman kagandahan.
"Don't worry, mas sexy ka parin keysa sa kaniya" sabi naman ni Red. Sus playboy na fuckboy pa! Matapos yun sabihin ng lalaki ay agad niyang hinipak ang labi ng babae para silang uhaw na uhaw sa isa't -isa. Kadiri
Napairap nalang ako atsaka bumalik sa pagbabasa. Kaya ayokong maglovelife ei, yan yung sinasabi ko. Betrayal, masakit yan.
Bumalik nalang ako sa pagbabasa, kailangan kong makapag-isip ngayon ng title para makasimula na ako ng novel ko.
Seryuso ang mukha ko habang nakatingin sa libro, actually diko na nga naiintindihan ang binabasa ko kasi kung ano-ano naman ang naiisip kong senaryo. Gusto ko kasi yung brutal, like p*****n ganon. Kumbaga, thriller-killer yung maging genre ko. Ayoko talaga ng lovestory pero naisip ko yung mga readers ko, kailangan lagyan din ng love team ganon para naman ganahan ang mga bagets sa pagbabasa.
Lumingon muli ako sa kinaroroonan ng dalawa, halos lumuwa naman ang mata ko dahil halos maglampungan na sila sa damuhan. Eh kung videohan ko kaya tapos ipost ko? haha ay bad yon.
Napailing ulit ako, mali to dapat nagfofocus ako. Hindi ko dapat tinitignan yun, kadiri naman kasi yung ginagawa nila ei. Napapikit ako pero naiinis ako dahil lumalabas yung dalawang taksil sa utak ko.
Hanggang sa nakaisip ako ng magiging title ko. Napangiti ako dahil may naisip na akong idea. And I'm sure na magugustuhan ito ng mga readers ko.
Nagsimula na akong magtipa sa laptop ko, napapangiti pa nga ako habang ang imagination ko naman ay tila sila ang nadedekta kong ano at paano ito nagaganap.
Pinindot kona ang publish, The chapter 1. Pinost ko din ito sa internet, pero dummy acc ang ginamit ko para di nila ako makilala. Matapos non ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas, alam kona ang magiging takbo ng kwentong ito.
Napatingin ako sa orasan at oras na ng klase. Mabilis akong kumilos para ayusin ang nagkalat kong kagamitan sa damuhan, matapos non ay pinagpagan ko ang palda ko na may dumikit na dahon. Buti nalang at tapos na magmake out ang dalawang haliparot kanina, baka kapag hindi nakita nila ako baka ako pa ang pagtripan nila.
Mabilis naman akong nakarating sa classroom namin, buti nalang at kakapasok lang din ng professor namin. Sa pinakadulo ako pumwesto dahil kahit naman sa gitna ako alam kong walang tatabi sakin kasi daw weird,freak, greedy na pangit ang tingin nila sakin. Saglit akong napasulyap kay Ariana ng ngitian ako nito, siya lang ang bukod tanging ngumingiti sa akin kahit na hindi ko naman pinapansin.
"Okay class, before ako magsisimula nais ko lamang ipaalam sa inyong lahat na nasa bulletin board na ang mga nakasali sa dean's list." masayang anunsyo ni Ms. Bianca sa aming lahat. Iba't iba naman ang naging reaksiyon ng ilan kong mga kasama, may walang pake meron ding pahumble at syempre masaya kasi alam nila sa sarili nilang nakuha sila, lalong-lalo na sila Red at Jelai. Si Ariana naman ay tudo lingkis kay Red.
Napailing nalang ako, ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang niloloko lang siya ng boyfriend niya at ng akala niya ay kaibigan niya.
Wala naman akong kaso kung makuha man ako sa DL or hindi, ang alam ko lang sakto lang ang binibigay kong effort sa studies ko. Kasi kapag masama ang sobra,at masama din ang kulang. Kaya dapat chill lang kung anong kaya mong ibigay, yun lang. Hindi muna kailangan pang magpakastress dyan, sus.
Nagsimula na ang pagtuturo ng prof sa harapan. Hayst, mahabang oras na naman ang hihintayin ko para matapos ang klaseng ito.