"I get it Bea sorry kong wala man kami nang daddy mo sa tabi mo noong mga time na mas kailangan mo nang suporta namin." saad ni mommy at hinawakan ang kamay ko.
"I understand mommy and Its my fault naman po kong bakit, huwag po kayong mag-alala wala pong sama nang loob sa akin. Masaya nga po ako dahil napagtagumpayan ko lahat at ngayon ay proud po akong sabihin na hindi lang po ako isang brat na ank ninyo kundi may maipagmalaki na rin po ako." nakangiting saad ko sa mga ito.
"Sobrang proud kami sayo anak." saad naman ni mommy.
"Same here princess, maiba ako anak nagkita naba kayo ni Pharoah?" napasimangot naman ako sa tanong ni daddy, no wonder kong saan ako nagmana sa pagiging mapanira nang mood.
"Ikaw talaga mahal ang hilig mong mang spoil nang momentum, ang ganda na nang usapan eh." pinandilatan ni mommy si daddy, nakita ko naman ang pagkamot ni daddy sa kanyang ulo may kuto na yata ang daddy.
"To answer your question dad ay hindi po." sagot ko dito,
"Iniiwasan mo ba ito anak? Na curious lang ako kasi kinausap ako nito bago ang first anniversary ninyong dalawa noon tapos nagulat nalang ako nang sabihin mong wala na kayo." hindi ko rin naman masisisi si daddy kasi kahit ako naman ay nagulat rin sa bilis nang pangyayare.
"Me too dad nagulat rin ako parang kailan lang sobrang excited akong mag pack nang gamit ko para sa bakasyon namin sa Baguio pero bigla nalang naglaho ang lahat, myabe hindi talaga kami ang meant for each other. Wala rin naman akong balita dito hanggat maaari ay iniiwasan kong mapag-usapan ito at nirerespeto iyon ni kuya." sagot ko dito, napatango naman si daddy.
"Pero anak ano ba kasi talaga ang dahilan kong bakit kayo naghiwalay? Wala akong chance na tanungin ka noon dahil alam kong ayaw mong pag-usapan. Siguro naman ngayon ay pwede na it's been two years already anak, naka move on ka naba dito?" tanong ni mommy sa akin, napangiti naman ako nang alanagnin dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kong paano ito sasagutin.
"It's been two years mommy and yes until now ay hindi ko pa rin po alam kong naka move on na ako dito. Masyadong malalim po ako ibinigay nito sa akin nagkaroon po ako nang trauma at trust issue because of what happened." totoong sagot ko dito.
"Hindi kita masisisi kasi first love mo ito pero anak its time para palayain mo ang sarili mo sa past mo. Alam kong hindi madali pero kailangan dahil kong mananatili kang naka stock sa past mo ay hindi ka tuloyang magiging masaya." payo ni mommy sa akin which is true naman.
"Yes mommy huwag po kayong mag-alala sa susunod po na uuwi ako dito ay proud na po akong sabihin na nakapag move on na po ako, alam ko pong process ang lahat at naniniwala akong kaya ko po. Dahil hindi niyo po ako pinalaking mahina." ngiting saad ko sa mga ito.
"That's my princess hayaan mo na ang pangit na Almirong iyon, hindi na iyon makakalapit sayo kapag nagpunta iyon dito." saad pa ni daddy, siniko naman ito ni mommy.
"Ikaw na matanda ka huwag ka nang makialam sa lovelife nang mga bata masyado na tayong matanda para sa ganyan, suportahan nalang natin ang mga ito hanggat walang natatapakang tao ay support tayo." sagot ni mommy kay daddy,
"Sabi ko nga mahal naman naniniko kaagad." reklamo pa ni daddy kaya natawa ako dito.
"Huwag na po kayong mag-away, anyway may pinapaayos po sa akin si kuya. May alam na po ba kayo sa plano ni kuya mommy daddy?" tanong ko sa dalawa,
"Ang alam ko lang kapag naging okay na silang dalawa ni Red ay e shotgun marriage niya raw ito. I'm not sure though." sagot ni mommy sa akin, tumango naman ako dito.
"Ah yes that one of course alam ko sinabi na sa akin ni Brett ito, bakit anong aayusin natin?" tanong ni daddy sa akin.
"Kuya want's an engagement party first before the shotgun marraige nito, I have ideas naman po since ate Lavi loves Tagaytay at according to kuya ay sa Tagaytay niya unang dinala si ate Lavi naisip ko lang na bakit hindi nalang sa Tagaytay gaganapin ang engagement party nito." suhesyon ko sa mga ito, napaisip naman si mommy.
"Pwede rin naman anak and also I heard na may hotel si Drake doon." sagot nang mommy ko na ikinatingin ko dito,
"Drake Salvador mom?" tukoy ko sa lalaking naging dahilan kong bakit nakidnap ni kua Brett si ate Lavi,
"Yes you know Lavi's parents talk to me and your dad about that man at noong nakalabas na ito nang kulongan ay nakipag-usap ito sa aming apat upang makahingi nang tawad. Hindi naman ito ganoon kasama ayon dito kaya niya lang iyon nagawa ay dahil sa may pinoprotektahan itong mag-ina niya kaya lang nawala rin dahil pinatay na ito nang kanyang ama nang malaman nitong hindi matutuloy ang kasal." malungkot na kwento ni mommy, napasinghap ako sa nalaman ko mula dito.
"I-I dont know about this mom, matagal ko nang kilala si Drake because his one of my batchmates hindi ko akalaing ganito pala kapait ang kanyang napagdaanan sa kamay nang kanyang ama matapos mawala nang kanyang mommy." sagot ko dito, sa katunayan nga ay kaibigan ko si Drake kaya noong sinabi sa akin ni kuya ang tungkol dito ay hindi ako naniwala kaagad.
"Yes anak kawawang bata at ngayon nga ay hihingi ito nang tawad kay kuya mo at kay Lavi kaya lang hindi ito makahanap nang tiyempo para makausap ang dalawa dahil sa sobrang busy nang mag ito." pahayag pa ni mommy sa akin,
"Kaya naman pala bigla nalang ito nawala at hindi nakapag attend sa aming alumni." saad ko dito, nalungkot ako para dito.
"So anong plano natin anak?" tanong pa ni daddy sa akin.
"Ayong nga po plano kong sa Tagaytay nalang gawin ang proposal ni kuya since suki naman sila doon. I can't wait na makitang maglalakad si ate Lavi sa simbahan wearing a white gown for sure ito ang pinakamagandang bride kapag nagkataon." sagot ko sa mga ito.
"Yes anak sege kong saan mo gusto sabihan mo lang kami. We can rent sa hotel ni Drake doon for sure magiging masaya iyon na makabawi man lang sa dalawa." sagot ni mommy sa akin.
"Yes mommy I want to see Drake also namimiss ko na ang lalaking iyon, kong hindi lang dahil sa nangyare dito ay hindi mapapariwara si Drake. He's too kind kaya at ayaw nito sa mga bully noong college kami kaya mabilis ko itong naging close dahil sa ugali nito." kwento ko pa sa parents ko.
"I understand iha nalolong lang kasi sa sugal ang ama nito kaya iyon nangyare kay Drake. And worst part is pinatay nang sarili nitong ama ang kanyang mag ina." malungkot na saad ni mommy,
I can't imagine the pain of Drake nang malaman niya iyon, imagine ang sariling ama pa talaga nito ang dahilan nang pagkamatay nang kanyang mag-ina. At ang mga time na iyon ay nakakulong pa ito, at hindi niya pa makokompronta ang ama nito dahil patay na rin.
"I believe na may better plan si Lord for him anak, sinusubok lang si Drake kong gaano katatag ang kanyang faith." tanging saad nalang ni mommy sa akin,
"Maybe mommy."
Nakahiga ako sa sofa nang living area katabi ko si Red na naglalaro nang kanyang laruan.
"Baby gusto mo ba nang kapatid?" tanong ko kay Red na busy sa laruan nito.
"Yes tita I want." sagot nito na ikinangiti ko,
"Hintayin mong makauwi ang parents mo okay? Sabihin mo sa kanila na gusto mo nang kapatid. Dapat girl para may bibihisan si tita nang pangbabae." ngumiti lang sa akin si Red.
Minsan napapaisip nalang ako sa sitwasyon ni kuya at ate Lavi, hindi pwedeng ganito sila palagi sa tuwing may kaonting hindi pagkakaunawaan dahil mas na aapektohan ang bata. Pagsasabihan ko si kuya at ate tungkol dito, ayaw ko ngang nakikitang umiyak si Red dahil parang anak ko na rin ito.
"Tita I want to sleep po." reklamo nito sa akin at napahikab pa.
"Come here baby higa ka sa tabi ni tita." lumapit naman ito sa akin at nahiga sa tabi ko,
"Are you sleepy that much huh?" tanong ko dito nang makitang pagkaantok sa mata nito.
"Hmmm," niyakap ko ito nang mahigpit.
Mabuti nalang at malawak ang sofa dito sa living area kaya kasya kaming dalawa ni Red. Nakita ko itong nakapikit na, inabot ko ang remote nang tv at pinatay. Dahil sa maaga akong nagising kanina ay nakaramdam ako nang antok dito.
"Sleep tight baby." saad ko kay Red at hinalikan ang noo nito.
Ipinikit ko na rin ang mga mata ko nang makaramdam ako nang antok parang hinihila ang mata ko sa antok.
Pharoah's Pov
Nasa office ako ngayon at busy ako sa expansion nang hospital ko kaya hindi ako masyadong nakakasama sa mga kaibigan ko tuwing may night out kaming magtotropa. Nang matapos ang meeting namin ay kinuha ko ang aking cellphone dahil kanina ko pa ito naririnig.
Nakita ko ang numero ni Brett na kanina pa pala tawag nang tawag sa akin. Tinawagan ko ito pabalik.
"Yes dude?" bungad ko dito,
"Dude pwede bang puntahan mo si Red sa bahay nang parents ko pwede mong igala ito, just make it sure na safe ito. Nandito kasi ako ngayon sa Tagaytay upang sunduin ko si Lavi, at natanggap ko ang text ni mommy na nasa bahay na raw Bea." handa na sana akong tanggihan ito dahil sa busy kong schedule nang nabanggit nito si Bea.
"Okay I'll go there." sagot ko nalang dito,
"Balitaan mo ako ha ingatan mo ang anak ko at ang kapatid ko. Kapag ito ay pinaiyak mo na naman ay wala kanang aasahang tulong pa sa akin." banta nito sa akin,
"Noted dude don't worry hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ito." sagot ko dito at pinatay na ang tawag.
Napangiti ako na isipin ang muli naming pagkikita ni Bea kahit alam kong palagi ako nitong iniiwasan. Thanks to Brett utang ko talaga dito ang lahat, sana lang ay hindi ako susuntukin ni tito mamaya. Sa sobrang excited ko ay pinakansel ko na ang iba kong appointment ngayong araw. Mabilis akong nag drive sa isang flower shop at bumili nang dalawang bouquet dito at dumaan rin ako sa isang pantry at bumili nang cheesecake na paborito nang dalaga. Dumaan na rin ako sa isang fastfood para sa chicken ni Red at nagdali na rin ako nang wine for tito.
Binabaybay ko ang daan patungo sa address nang parents ni Brett, nang nasa hamba na ako nang village ay bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kong ano ang una kong sasabihin dito after two years ay makikita ko na rin ito sa wakas. Nag stop ako sa mismong harap nang bahay nila tita Bell. Bumaba ako dala ang mga pinamili ko, tinulongan pa ako nang isang kasambahay nila tita sa pag bitbit nang mga dala ko.
"Good morning po tito." bati ko sa ama nila Brett nang madatnan ko ito sa living area,
"Good morning Almiro." baritonong ganting bati sa akin ni tito,
"Pinapapunta po ako ni Brett dito para po sana ipasyal si Red." sagot ko dito,
"Pasok ka," ginaya ako ni tito sa living area, napatingin ako nang makita ko ang isang babae at isang bata na mahimbing na natutulog sa sofa.
"Thank you tito," pasalamat ko dito
"Alam kong hindi lang si Red ang pinunta mo rito at alam kong alam mo ring nandito si Bea base na rin sa bulaklak na dala mo." tukoy ni tito sa bulaklak na dala ko dalawa kasi ito, alanganin akong napatango dito.
"Yes po tito alam ko po at sinabi po ni Brett sa akin, pasensya na po kong hindi ako nakapag abiso na pupunta po dito. Masyado lang po akong na excite nang malaman ko pong nandito sa Bea." sagot ko dito,
"Yes she's here look at those people." turo ni tito babaeng kayakap ni Red.
Tumayo ako upang puntahan ito at dito ko nakumpirmang si Bea nga ito at si Red. Ang ganda nito lalo sa suot nitong strapless na croptop na pinarisan nang ripped jeans simple yet elegant ang dating at mas lalong gumada ito sa bare face niyang mukha. Kahit noon pa man kahit wala itong iaplly na make-up sa mukha nito ay maganda na talaga ito.
"See nagsisi ka na ba?" tanong ni tito sa aking likuran,
"Everyday naman po tito walang araw na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko dito." sagot ko kay tito.
"I can't argue with that alam mo ring hindi kita matutulongan dito ngayon, sinayang mo lang ang pagkakataon na ibinigay ko sayo noon. Ang dali mo itong nakuha sa amin dahil nagtiwala ako sayo bilang ama ni Bea pero hindi ko akalain na sasaktan mo lang pala ito." napaiwas naman ako nang tingin,
"Kahit ilang beses man po akong humingi nang tawad alam ko pong hindi ko na po maibabalik pa ang nakaraan. Kahit alam ko pong mahihirapan akong kunin ito ngayon ay hindi ko po ito susukoan. Ang sabi nga po nila kapag pinaghirapan ay hindi basta-bastang pakakawalan." ang sabi ko naman dito,
"Nasa sa iyo na iyan ang hirap nang manghimasok sa lovelife niyo ngayon, alam mo naman ang sitwasyon ni Brett at Lavi ngayon ayaw kong mangyare ito sa nag-iisa kong anak na babae." sagot ni tito sa akin,
"Naiintindihan ko po kayo tito don't worry po hindi na po mauulit iyong nangyare sa past namin. Natuto na po ako at alam niyo po iyon tito kong anong nangyare sa akin, this time itatama ko na po lahat and we're matured already." sagot ko dito, tinapik lang ni tito ang balikat ko.
"Come on Almiro sa veranda tayo." saad nito at sumunod ako,
Nilapag ni tito ang dala kong wine at dalawang glass. Nakatingin lang ito sa akin at sa suot ko, nakalimutan kong magbihis kanina.
"Mukhang galing ka pa sa meeting Almiro," puna sa akin ni tito, napatango ako dito.
"Yes po tito nasa meeting po ako kanina nang matanggap ko ang calls ni Brett." magalang kong sagot dito, tumango lang ang huli at nagsalin nang wine.
Napaiwas ako nang tingin nasaan kaya si tita Bell for sure ay mapapagalitan kami ni tito ngayon. Napansin ni tito ang pagtingin ko sa paligid kaya nagkibit-balikat lang ito.
"If your'e asking me about my wife, don't worry nagpapahinga ito sa taas." saad nito sa akin,
"Almiro tatanungin na kita nang diresto, paano kong sabihin kong may boyfriend ang anak ko ngayon at ready na itong mag settle down anong gagawin mo?" seryusong tanong ni tito sa akin, kinuha ko ang isang glasswine at tinungga ang laman niyon.
"Kukunin ko si Bea sa kong sino man ang lalaking iyon ako pa rin ang nauna dito. At babawiin ko si Bea kahit na ang kapalit ay ang buong kayamanan ko gagawin ko tito. Hindi ko rin naman maeenjoy ang pera ko kong wala ito sa buhay ko." sagot ko dito,
"Anong gagawin mo kong hindi ka na mahal nang anak ko?" tanong pa nito
"Kaya kong gawin lahat tito mahalin lang ako ni Bea ulit." sagot ko dito,
"I heard mahal nito ang kanyang boyfriend ngayon. Mahirap kalabanin ang taong mahal Almiro." napailing ako dito,
"Hindi rin po tito base on my parents lovestory ay masasabi kong hindi. Nakuha nang daddy ko si mommy sa fiance niya though hindi siya nito mahal pero later on ay napaibig niya na ito. At alam kong kaya ko ring gawin iyon kay Bea, hindi pa rin sila kasal at iyon ang panghahawakan ko." sagot ko dito,
"Sigurado ka ba talaga sa plano mo? Hindi na katulad nang dati si Bea, baka maninibago ka sa kanya at mapapaatras ka nang wala sa oras. I'm warning you Almiro kapag umiyak ang anak ko ulit ako na mismo ang maglalayo kay Bea sayo." seryusong saad ni tito.
"Kahit lahat man po nang pag-uugali niya ay nagbago wala na po akong pakialam doon at tanging gusto ko lang pong makamit ngayon ay ang isa pang chance para sa amin. Alam ko pong kasalanan ko ang lahat kaya kong may balak man po itong pahirapan ako ay wala na po akong magagawa doon. As long ay hindi na ito lalayo pa sa akin kahit ano paman pong ipagawa niya ay gagawin ko po." sagot ko dito, nakita ko ang pag-iling ni tito.
"Nasasabi mo lang iyan ngayon dahil hindi mo pa ito nakakausap muli." saad nito sabay tungga nang wine.
"Hindi rin po tito wala akong takot para dito mas takot po akong tuluyan itong mawala sa akin." sagot ko rito at tinungga ang isang kupita.
"What the! What do you think your'e doing Arthur?!" napapitlag ako at napatingin sa gawi ni tita Bell,
Galit itong naglakad sa amin ni tito Arthur lihim naman akong napangiti nang makita ang reaction ni tito.
"Mahal naman huwag ka namang sumigaw nagugulat ako sayo. Gusto mo bang atakihin ako sa puso mahal?" saad pa nito tito kay tita,
"Tigilan mo ako sa pagdadrama mo, at bakit nandito si Pharoah?" nagugulohang tanong ni tita.
Natawa na ako nang mapakamot si tito Arthur, kahit na isa si tito Arthur sa mga kinakatakotan sa larangan nang business ay isang lang talaga ang inaatrasan nito at iyon ay walang iba kundi si tita Bell.
"Good day po tita here's the flowers po for you. Pasensya na po kong pumunta po akong walang pasabi." magalang kong bati dito at inabot ang bulaklak.
"Thank you iho ano nga pala ang pasya mo at napasugod ka dito sa bahay nang wala sa oras nakapang office ka pa." saad nito,
"Nais ko lang po sanang dalawin si Red at siyempre po napag-alaman ko rin pong nandito si Bea kaya nagbabakasali po akong makausap ito kaya lang natutulog po." sagot ko dito, tumango naman si tita.
"Yeah she's here pinapunta ni Brett para may katulong kami sa pag-aalaga kay Red. Alam mo naman ang hyper nito at si Bea lang ang makakatapat nito, abyway paano mo nga pla nalaman na nandito si Bea?" tanong pa ni tita sa akin,
"Tumawag po si Brett kanina habang nasa meeting po ako, ayaw ko pa po sanang pumunta noong una dahil sobrang busy po nang schedule ko at dahil na rin po sa expansion nang hospital but when he mention Bea's name ay agad po akong napasugod dito." paliwanag ko kay tita,
"Mahal naman of course si Bea lang naman ang habol nang lalaking iyan." sabat ni tito Arthur sa usapan namin ni tita.
"Manahimik ka diyan kong ayaw mong ohampas ko itong bulaklak na bigay sa akin Pharoah." banta ni tita dito, lihim naman akong napangiti sa sinabi ni tita.
"So anong kailangan mo sa prisesa namin ngayon iho? Ayaw ko nang masaktan itong muli please lang kong hindi ka naman seryuso dito ay huwag mo nalang pakialaman. Masaya na ito sa buhay niya ngayon sorry to say this but she's happy without you." saad ni tita sa akin, tumango ako dito.
I understand tita Bell alam kong hindi madali dito ang masaktan ang nag-iisang anak na babae, at alam kong hindi lang si Bea ang kailangan kong suyoin kundi pati na rin ang mga magulang nito.
"I understand po tita pero gusto ko lang pong malaman ninyo na hindi po ako nagbibiro simula pa po noong umpisa, na pressure lang po ako pero I already learned my lesson po. Hindi ko na po iyon uulitin pa, hindi ko na po kakayaning mawala pa ulit sa akin si Bea." sagot ko dito,
"Honestly iho hindi ko mabibigay ang suporta ko ngayon sayo bilang isang ina ay mahirap at masakit sa akin na makitang umiiyak si Bea noong mga panahon na naghiwalay kayo. Hindi man nito sinabi kaagad sa amin ang dahilan pero alam kong nasasaktan ito nang sobra. Ang gusto ko lang naman sa anak ko ay mag settle ito sa taong mahal nila at mahal sila iyon lang. If you can't do that huwag mo nalang itong lapitan pa dahil alam kong magiging marupok lang ito sa kanyang mga desisyon sa buhay." mahabang pahayad ni tita,
"Makakaasa po kayong hindi ko po kayo bibigoin sa pangalawang pagkakataon tita tito, this time po okay na sa akin na ako ang masaktan huwag lang po si Bea dahil mas doble po ang sakit na dulot nito sa akin." sagot ko dito,
"Salamat kong ganoon Pharoah. Pumasok na muna kayo at mag meryenda, ikaw naman Arthur ang aga-aga para sa alak na iyan ikaw pa talaga ang pasimuno. Kapag ikaw sinakitan niyang tiyan makaktikim ka talaga sa akin." banta pa ni tita kay tito,
"Si Almiro naman ang may kasalanan mahal ito ang nagdala nang wine, alam mo naman kong gaano ako karupok pag dating sa wine." paninisi pa ni tito sa akin,
"Nanisi ka pa talaga hala pasok, akin na iyang wine mag meryenda na muna kayo. Huwag kayong maingay dahil natutulog pa ang dalawa sa sala." saad ni tita sa amin ni tito na nakasunod lang dito,
Napatingin ako sa gawi ni Bea at Red, ang cute nilang tingnan para silang mag-ina sa hitsura nila. Siniko ako ni tito kaya napabaling ang atensyon ko sa kanya, pinandilatan ako nang mata nito.
"Huwag mong titigan ang anak ko baka matunaw iyan mahampas talaga kita nang bote nang wine na dala mo," banta nito sa akin, napailing nalang ako dito.
"May sinasabi ka Arthur?" tanong ni tita dito, paano ba naman kasi napalakas ang boses ni tito.
"Wala mahal sabi ko lang ang ganda mo at ang sarap mong magluto." natawa ako nang lihim sa mga banata ni tito dito,
"Sege mahal bolahin mo pa ako kong ayaw mong mabola mamaya sa kama." napangisi si tito sa sinabi nang kanyang asawa.
"Mahal naman huwag naman ganoon baka masundan pa natin si Bea," hirit pa ni tito, nakahanda nang ihampas ni tita ang hawak niyang bulaklak dito nang bigla akong iharang ni tito kaya hindi natuloy ni tita.
"Humanda ka sa akin mamaya kang gurang ka." pinandilatan ni tita si tito,
"Tita baka magising po ang dalawa," mahinang sambit ko dito at tinuro ang pwesto nang dalawa,
Bigla namang natahimik si tita habang si tito ay nasa likuran ko. I found it cute sana ganito rin kami ni Bea pagdating nang panahon, I can't wait. Dapat talaga ay makuha ko na ito dahil hindi na ako bumabata pa kailangan ko nang magpalahi dito nang makarami kami. Kong hindi ko man ito makuha sa santong dasalan ay kukunin ko ito sa santong paspasan.
"Nginingiti mo diyan?" puna sa akin ni tito, napailing lang ako dito.
"Dad your too noisey!" sh*t!
They say 'before you start a war you better know what you're fighting for.'