Maaga akong umalis sa bahay ko mabuti nalang at maagang nagising ang dalawa kong kasama. Nasa daan na ako at binabaybay ang daan papunta sa bahay nang parents ko. They insist na susundoin ako sa airport but I refuse siyempre baka mabuko nila ako. kong hindi lang talaga nagkaproblema si kuya ay hindi ako mapapasugod ngayon.
"Hello anak?" bungad ni mommy sa akin sa kabilang linya,
"Yes mommy I'm on my way na po, bakit po kayo napatawag?" tanong ko dito,
"Pwede bang daanan mo muna ang pamangkin mo nang chicken sa fast food?" anito sa kabilang linya,
"Okay mom iyon lang po ba?"
"Yeah mag-ingat ka sa pagmamaneho mo," paalala pa nito,
"Yes mommy bye." pinatay ko na ang calls nito.
Sakto namang may nadaanan akong fastfood, napailing nalang ako nang maalala ko si Red ang aking pamangkin. Sobrang adik nito sa chicken and its not healthy para sa batang kagaya nito pero hindi rin naman kami makahindi dito.
"Maam may kiddie meal toy po kami baka gusto niyo po?" offer sa akin nang cashier, napatingin naman ako doon sa tinuro niya.
"Sege pasali nalang rin ako." sagot ko dito sabay abot nang bayad.
Napatingin ako sa cellphone ko nang makatanggap ako nang mensahe galing sa aking secretary. Alas otso na pala nag update lang ito sa bahay mabuti naman at walang nakakapanghinala ewan ko nalang talaga kong hindi pa rin sila titigilan nang mga saltik nilang stalker.
Pinarada ko ang aking sasakyan sa harap nang bahay nang parents ko, ipapapasok ko nalang mamaya sa driver nang parents ko. Hindi pa ako nakapasok nang bahay pero rinig ko na ang boses ni Red, ang aga naman nitong nagising ngayon.
"Good morning everyone!" bungad ko sa mga taong nasa loob nang bahay,
"Titaaaaaaaa!!!!" napangiti ako kay Red nang patakbo itong sumalubong sa akin,
"Hi baby! Kong ganito naman palagi ang sasalubong sa akin ay gaganahin akong umuwi palagi." saad ko dito at hinalikan sa pisngi,
See? Papaano ako makaka hindi sa batang ito? Napakalambing nito kaya mahirap humindi sa mga gusto nito.
"Where's mommyla?" tanong ko dito at binuhat.
"Kitchen po, tita where's my chicken po?" tanong nito sa akin at nagpa cute pa kaya hindi ko maiwasang kurotin ang pisngi nito,
"Here's your chicken and also I brought you a kiddie meal toy." sabay taas ko sa supot na dala ko,
"Yehey! Thank you tita." sagot nito at kinuha ang supot sa kamay ko.
"You're always welcome my love." naglakad kami papasok sa dining area,
Nakita ko si mommy nabusy sa pagluluto, don't get me wrong ganito talaga si mommy kapag nauwi kami ni kuya gusto nito na ito palagi ang maghahanda nang foods. Ang rason nito ay minsan nalang raw kasi kaming nauwi kaya bumabawi siya, parang baliktad nga ang nangyare eh dapat kami ang bumabawi ni kuya for them.
"Hi mommy!" bungad ko dito at niyakap si mommy patalikod,
Inilagay ko si Red sa upoan sa table.
"Hello baby nandito kana pala kaya naman kong makasigaw si Red akala mo may sunog," pagbibiro nito sa akin.
"Mommy naman, namimiss ko po kayo ni daddy. May pasalubong po ako sa inyong dalawa." sagot ko dito habang nakayakap pa rin.
"Sus! Hindi mo naman kailangan na magdala pa nang pasalubong sa amin, umuwi ka lang ay masaya na kami nang daddy mo." natawa tuloy ako sa pagtatampo nito,
"Sorry mommy, kasalanan niyo po kasi ang dami niyong pinapakain sa amin ni kuya kaya mabilis kaming lumaki." napasimangot si mommy sa sinabi ko,
"So dapat pala ay tinipid namin kayo nang daddy niyo? Para hanggang ngayon ay kasang liit pa kayo ni Red iyon ba ang gusto mong sabihin Beagail?" natawa ako dito,
"Grabi ka naman mommy anong klaseng pagtitipid ba iyan para naman kaming ewan ni kuya non. Di bali na okay na ako sa kagandahan ko ngayon buti nalang at magaganda ang lahi natin." ito naman ang tumawa.
"Ikaw talagang bata ka napaloko mo oh siya tawagin mo ang daddy mo nasa veranda iyon nagbabasa nang magazine. Ang aga-aga napagod." utos ni mommy sa akin,
"Mommy ha, ayaw ko na pong may kapatid pa ako bakit niyo naman po pinagod si daddy?" kunwari'y pagrereklamo ko dito, lumayo ako kay mommy nang makitang nakahanda na itong hampasin ako nang sandok.
"Hoy Beagail hindi ko kasalanan kong bakit ang aga napagod nang daddy mo tanongin mo iyang makulit kong apo." sagot ni mommy na may kasama pang pandidilat
"Mommy naman biro lang po ang seryuso mo naman, sege na tatawagin ko na po si daddy." paalam ko dito at mabilis na lumabas nang dining room baka makahabol pa si mommy at mabato pa ako nang sandok nito.
Nakita ko si daddy sa may veranda prenti itong nakaupo habang nagbabasa nang kanyang paboritong business magazine. Balak ko sana itong gulatin kaya lang naalala kong may sakit nga pala ito sa puso.
"Hi dad!" masiglang bati ko dito, napatingin ito sa gawi ko at matamis na ngumit.
"Good morning princess, kanina ka pa ba?" tanong ni daddy nang makalapit ako dito, humalik naman ako sa pisngi ni daddy.
"Kakarating ko lang daddy at niloko ko lang po saglit si mommy sa dining area." sagot ko naman dito at naglalambing na yumakap kay daddy.
Kahit pa siguro tumanda na ako at magkaroon na nang sarili kong pamilya ay hindi mababawasan ang pagiging malambing ko sa mga ito. Parehas lang kami nang kuya ko na malambing sa parents namin at hindi kami nahihiyang ipakita sa mga ito kahit pa matatanda na kami.
"Kamusta ang work mo Bea?" tanong ni daddy sa akin,
"Okay lang po daddy bakit po?" umiling lang ito, napakagat labi ako dahil sa guilty ko sa pagsisinungaling sa mga ito.
"Wala lang kong pwede ka lang sanang pigilan na magtrabaho sa malayo ay ginawa na namin nang mommy mo, pero ayaw rin naman naming lumabas na kontrabida sa buhay mo." sagot ni daddy sa akin,
"Daddy I'm sorry po." malambing kong saad dito,
"It's okay naiintindihan ka namin pero sana naman anak dalasan mo ang pagdalaw sa amin nang mommy mo. Kayong dalawa lang nang kuya mo ang anak namin, at alam mo namang naging busy si kuya mo dahil sa business niya lalo na ngayon at may hindi sila pagkakaunawaan nang ate Lavi mo. Pwede ka naman kasing magtayo nang sarili mong business dito anak if you want we can help nang mommy mo." pahayag pa ni daddy,
Nako kong alam lang ni daddy na may sarili na akong negosyo na pinapatakbo pero siyempre gusto kong surpresahin ang mga ito. I want them to be proud of me kahit alam kong magtatampo ang mga ito.
"Don't worry daddy hihintayin ko lang po ma settle ko ang schedules ko, ako rin naman po dad namiss ko na rin po kayong dalawa ni mommy. Darating rin po ako diyan sa business na iyan dad at hoping na kong darating man ang araw na iyon ay gusto kong maging pround kayo sa akin, sisikapin kong makuha ang tiwala ninyong lahat." sagot ko dito,
"What are you talking about Beagail? Kailan ba kami hindi nagtiwala sa iyo nang mommy mo?" kunot-noong tanong ni daddy sa akin, napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Daddy I mean po iyong tiwala hindi bilang isang anak, kundi tiwala po bilang isang businesswoman na ikaka proud niyo pong lahat sa akin." sagot ko dito,
"Kaihit ilang beses ka pang bumagsak asahan mong nandito lang kami nang mommy mo na handang umalalay sa iyong pagbangon. Like what we did to your brother." napangiti ako sa sinabi ni daddy.
"Thank you daddy! You're the best." sagot ko dito,
"Daddy sabi nga po pala ni mommy ay need na po nating pumasok kundi ay tayong dalawa ang makakatikim nang sandok nito. Nakalimutan ko pong pinapasundo kayo ni mommy sa akin." saad ko dito nang maalala ko ang inutos ni mommy sa akin.
"Beagail naman bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin parehas tayong masandok nang mommy mo." sagot ni daddy sa akin at mabilis na tumayo,
Natawa ako sa reaction ni daddy dahil alam kong takot ito kay mommy kahit noon paman. Ito ang gusto ko sa parents ko kahit noon paman ay hindi ko ito nakikita na nag-aaway nang malala ang mga ito. Minsan lang namin itong nahuli ni kuya at ang madalas nilang pinag-aawayan ay mahilig si daddy sa pagbili nang kong ano-ano na hindi naman nagustohan ni mommy nagsasayang lang daw si daddy nang pera.
"Mahala naman iyong anak mo kasi hindi kaagad sinabi." naabotan kong nagpapaliwanag ang aking daddy,
Gusto ko rin nang ganitong pamilya balang araw, gusto ko rin na maging isang mabuting ina at asawa sa magiging pamilya ko. Wala namang pakialam si Red sa grandparents nito na nagtatampohan dahil busy ito sa kanyang pagkain.
"I'm sorry mommy napasarap po kasi ang kwentohan namin nang daddy kaya nakalimutan ko po ang inutos ninyo." agaw ko nang pansin kay mommy, napabaling naman ito sa akin.
"Fine maupo na tayo nang makapag almusal na, tingnan niyo itong si Red na busy sa kanyang chicken walang problema." sagot ni mommy sa akin habang nakatingin sa apo nitong masayang kumakain.
"Yeah paborito niya ang kanyang kinakain kaya hindi na namamansin, minsan nga ay maasar ito." pinandilatan naman ako ni mommy,
"Siyempre joke lang po mommy." mabilis kong sagot nito,
"Ikaw talaga kumain ka nang marami Bea ang payat mo na masyado." sabi pa nito sa akin, napasimangot naman ako.
"Mommy ha anong payat? Ang sexy ko nga po sabi nang mga kasamahan ko sa trabaho tapos payat lang ako sa inyo." simangot ko dito, natawa lang si daddy sa tabi nito.
"Anak naman your'e too skinny baka konting hangin lang ay matangay ka na, damihan mo naman konti ang pagkain mo nang magkalaman ka naman kaonti." saad pa nito,
"Mommy alam mo naman kahit anong kain ko ay hindi na ataga ako nataba. Kahit anong vitamins na nga po ang pinainom niyo sa akin noon ay wala pa ring nangyayare. Maybe ganito na talaga ang katawan ko, siyempre namana ko lang po ito sa inyo." paliwanag ko dito sabay kindat kay mommy, napailing nalang ito sa ginawa ko.
"Oo at payat ako dati pero hindi naman ganyan Bea, sege na kumain kana bawal kang diet dito sa bahay mahahampas talaga kita nang sandok." banta pa nito sa akin na ikinatawa ko lang.
"Daddy oh si mommy nagiging amazona na naman po." sumbong ko kay daddy,
"Anak naman bakit mo pa ako idadamay diyan, kaya mo na iyan." sagot nito sa akin,
"Bea mag-uusap tayo mamaya after mong kumain about sa kuya mo. He really needs our help kaya ka pinauwi dito, sana magtulongan tayo." seryusong saad ni mommy.
"Yes mommy don't worry we're family and family sticks together." sagot ko dito
"Thank you sa pagiging understanding mo sa lahat nang bagay Bea, hindi na bali kapag ikaw naman ang nangangailangan nang tulong ay maasahan mo rin kami nang daddy at kuya mo." sagit ni mommy sa akin,
"No problem mommy aayusin ko na rin po ang schedule ko para po mas madalas po akong makadalaw sa inyo ni daddy." sagot ko dito,
"Paano iyan ikukuha ka na ba namin nang daddy mo nang private plane mo for in case na maisipan mong umuwi ay hindi ka na mahihirapan pang mag commute." tanong nito sa akin, napayuko ako upang iwasan and tingin ni mommy alam kong hinuhuli lang ako nito.
"No need na mommy sanay na rin naman po ako ilang beses ko na po itong ginagawa kaya walang problema." sagot ko dito na hindi ito matingnan sa mata.
"Are you hiding something from us Beagail?" tanong nito sa akin,
"Mommy itatakwil niyo po ba ako kong sasabihin kong mayroon?" matapong kong tanong dito at sinalubong ang titig nanag nanay ko.
"What is it Bea?" seryusong tanong ni daddy sa akin.
"Pwede po bang huwag po muna ngayon mom and dad? Hindi pa po ako ready don't worry po wala po kayong dapat na ipag-alala po." sagot ko sa mga ito.
"At kailan ka magiging ready Bea?" tanong pa ni mommy,
"Mom please not now ayaw kong masira ang mood ninyo ni daddy." sagot ko dito sa mahinang boses.
Simula nang mapag usapan namin ng parents ko ang tungkol sa trabaho ko ay naging tahimik na ako dito. Hindi na ako nagsalita pa dahil ayaw kong sirain ang breakfast namin. Kilala ko si mommy alam kong hindi ako nito titigilan kapag hindi nito nakukuha ang gusto nitong sagot mula sa akin.
"Speak up Bea." seryusong saad ni mommy nang makarating kami sa veranda, hinawakan ni daddy ang kamay ni mommy upang pakalmahin ito.
"I'm soryy mommy and daddy, sorry kong hindi ko sinabi kaagad. Ayaw ko lang naman pong dumagdag pa sa alalahanin ninyo ni daddy." panimula ko dito,
"Ano ang tinatago mo sa amin Bea?" hindi na makapag hintay si mommy kaya napalunok ako nang wala sa oras.
"Its about my work po, hindi naman po talaga sa US naka base ang trabaho ko. Sorry po kong nagsinungaling ako, actually po dito lang po ako sa Pilipinas nagtatrbaho mommy. Hindi ko lang po masabi sa inyo dahil ayaw ko pong ma disaapoint po kayo sa akin. Gusto ko lang naman pong mag explore nang sarili ko iyong walang tulong ninyo gusto ko pong tumayo sa sarili kong paa, sana po ay maintindihan ninyo." nakayukong paliwanag ko dito.
"Is that all anak?" mahinang tanong ni mommy sa kin,
"Yes po." sagot ko dito nang hindi makatingin nang diretso sa mata ni mommy.
"Hindi naman ako galit anak ayaw ko lang iyong naglilihim ka sa amin nang daddy mo. At naiintindihan ka namin kong bakit mo nagawa iyon pero please huwag mo na ulitin iyon hindi mo alam kong anong kaba ko sa tuwing uuwi ka dito at aalis ka. Iniisip lang namin nang daddy mo ang iyong kapakanan." paliwanag ni mommy sa akin, at hinimas ang buhok ko.
"Thank you mommy." sagot ko dito at niyakap si mommy.
"No problem anak huwag kang mag-alala hidni kami galit." sagot pa nito,
"Anak anong trabaho mo dito sa pinas?" tanong ni daddy sa akin, napahiwalay naman ako nang yakap kay mommy.
"Promise niyo po sa akin na hindi niyo po muna sabihin kahit kanino po kahit kay kuya." seryusong saad ko sa mga ito.
"Okay we'll try." sagot ni daddy, umiling ako sa sinabi nito.
"No dad I want you to promise me." matigas kong saad sa kanila ni mommy.
"Okay I promise." sagot nito,
"Actually po hindi naman po ako nagtatrabaho sa ibang kompanya daddy mommy, I have my own business po at naka base ang main branch sa Taguig. It's an Interior designs company po I name it from my first name 'BG I.D' means BeaGail Interior designs may tatlong branch po ako dito sa luzon at may branch rin po ako sa Cebu at Davo po. Kaya po sobrang busy ako dahil fully booked po ang schedule namin until december po. At ngayon po kasi ay nagset nang appointment sila kuya sa company ko dahil sa bagong corporation nilang magkakaibigan at dahil sa busy nang schedule namin ay hindi ko ito mapagbigyan hindi porket kapatid ko si kuya ay ma priority ko na ito masyado talagang puno kami ngayon kaya kahit na nag offer ito nang triple payment ay nireject ko ito at hindi ito alam nang kanyang mga kaibigan at ni kuya na ako ang may-ari." mahabang paliwang ko dito.
"Oh my God! I don't know what to say anak, you run the company without our help at iyon palang ay sobrang proud na ako sayo. How did you do that? For sure malaking puhonan iyon. Ilang story building ba ang main mo sa Taguig?" tanong ni daddy sa akin,
"It's a fifth story building daddy, totoong nagwork po ako sa ibang bansa po to save more money dahil alam kong kukulangin po ang savings ko at ayaw ko pong manghingi sa inyo nang pera." sagot ko dito, napailing nalang si mommy sa sagot ko.
"Ikaw talagang bata ka I heard that name naging client mo ba si Oliver Olivares anak? Anak iyon nang kaibigan nang daddy mo." taning pa sa akin ni mommy,
"Yes mommy paano niyo po nalaman iyon?" tanong ko dito.
"Narinig kong kumuha ito nang I.D sa bagong penthouse nito. Ito na kasi ang nagpapatakbo sa hospital nila." sagot ni daddy, tumango ako dito.
"Wala naman po akong pakialam sa profile nang mga client ko po as long as na naayon po sa contract ang ginagawa namin ay wala na po akong problema doon. Nagulat nalang po ako kasi nong mag-umpisa po ako sa business ko hindi ko po inaasahang maraming mag booked sa amin, at ang mga nauna kong client ay nag rerecommend sa amin sa ibang clients kaya mas lalong dumadami ang client namin. Hindi ko nga rin po inaasahan ang biglang pagpuno nang schedules namin na sobrang ipinagpapasalamt ko po." kwento ko sa mga ito, nakita ko ang pagngiti nang parents ko na sobrang satisfying sa pakiramdam.
"Hinid mo alam kong gaano kami ka proud sayo Bea, alam kong hindi magagalit ang kuya mo sayo at alam kong magiging proud rin ito sayo. Bakit hindi mo sabihin dito at ipaintindi alam ko namang maiintindihan ka nito." suhesyon sa akin nang mommy,
"Maybe pag okay na po ang problema ni kuya mom, alam mo namang marami pa itong iniisip ngayon at ayaw ko pong dumagdag dito." sagot ko nalang,
"I respect your decision anak so anong plano mo ngayon sa business mo may balak ka bang mag expand sa ibang bansa?" tanong ni daddy, umiling ako dito.
"Sa ngayon po ay wala akong plano daddy, sobrang busy ko pa po ngayon at sobrang hands-on po ako sa pamamalakad nang negosyo ko, may schedule po akong every month para sa ibang branch ko po. Hindi ko na nga po halos mabisita ang iba ko pang branch, maybe next time nalang po dad." sagot ko dito,
"Taray anak ha dati naalala kong ayaw mong e handle ang family business natin, pero look at you right now ikaw na ang CEO nang sarili mong kompanya at may ilang branch kana. Pinanganak ka ngang business minded no wonder iba ang kinuha mo noong college ka dahil may plano ka na pala sa future mo." saad ni mommy sa akin na ikinatawa ko,
"No mommy actually po ay wala talaga sa isip ko ang mag business kaya lang noong nasa ibang bansa pa po ako ay tinamad na po ako dahil ang daming deadlines na kailangan kong tapusin, and there! I decide na bakit hindi nalang ako mag tayo nang sarili kong business total ay may enough naman akong savings at sa tingin ko ay handa na rin akong mag handle nito." sagot ko dito,
"Siyempre bago mo nakamit lahat nang success mo anak wala ka bang struggles dito? I mean lahat naman kapag sa umpisa ay may struggle talaga."
"Yes mommy mayroon po hindi naman po kaagad ay naging successful ako, dumaan rin po ako sa stage na parang ayaw ko na pong ituloy because of my negative thoughts. Nong nag opening po kasi ako ay kaonti lang po ang dumalo since hindi naman po ako kilala nang mga tao. Isa rin po sa reason ko kong bakit ayaw kong malaman ninyo dahil ayaw ko pong makilala lang ako nang mga tao becuase of my parents name and kuya's profile." sagot ko dito, naging malungkot naman ang ngiti ni mommy.
"I'm sorry anak kong iyon ang nararamdaman for a long time. Akala ko kasi nagugostohan mo ito pero hindi pala." saad ni mommy sa akin,
"Its not what you think mom, ang reason ko po kong bakit ayaw kong ipaalam sa inyo dahil gusto ko lang pong makilala ako nang mga tao sa sarili kong pangalan at ma proud po kayo sa akin." pilit kong pinapaintindi sa mga ito,
I saw them smiling sadly.
Life begins at the end of your comfort zone.