Chapter 2

2952 Words
"Yes po, I know mali po ang mag sinungaling but I have no choice, desperada lang po talaga akong iwasan ito lalo na at may koneksyon ito sa pamilya ko especially to my brother." sagot ko   After we eat our lunch ay lumabas na kami nang office nito at nilibot ang buong place para makapag isip na ako nang design dito.   "Anyway tita, this whole resto po ba ang gagawan ko nang design?" pag-iiba ko nang usapan namin   "Ah yes, this whole resto and this office too. It's been 6 months since the last time na pina change ko ang design, I want something new." sagot nito at nilibot ko ang tingin sa buong paligid.   "Okay po ako na po ang bahala, nextweek ko po ito babalikan with my team." saad ko dito at tumingin sa kanya.   "Thank you iha." pasalamat nito sa akin.   "No problem po tita, ako na po ang bahala sa new design nito. So paano po, mauna na po tita, may isang client pa po ako." paalam ko dito   "Bye iha, I enjoyed talking to you. Thank you for your time." saad nito at niyakap ako.   Kumaway ako dito bago nag drive, since busog na ako. Dumiretso na ako sa place ni Oliver Olivares, may lay out na ang team ko kaya pinauna ko na ang mga ito. Kailangan ko lang tingnan to make sure na sulit ang bayad nang client namin, especially our VIP's.   "Good morning maam, natapos na po namin ang rooms sa taas, and dining area." bungad sa akin nang head ko, tumango ako dito at nilibot ang tingin sa taas.   "Wait, I think much better if we remove this one." suhestyon ko sa mga ito at tinuro ang isang mini table na parang nagpapagulo sa isang silid.   "Yes maam." sagot nang mga ito at inayos na   So far satisfying naman ang design nila, ang neat tingnan. It looks like a bachelor designs combination of gray, black and white. Sinakto ko lang sa mga gamit nito, for sure Oliver would love this.   "What is your designs for the living room?" tanong ko sa mga ito   "We'll change the arrangement of this sofa and the mini table." sagot nang mga ito at pinakita sa akin ang lay out.   "That's good, ilang hours nalang ba?" tanong ko sa set time namin   "One hour left nalang po." sabi nito   "Okay, double time everyone, we need to cope up the time frame." paalala ko sa mga ito.   Sinusundan ko ang bawat galaw nang mga ito, this is what I like about my employees aside sa mapagkakatiwalaan ang mga ito ay napaka dedicated nila sa kanilang mga ginagawa. Nasunod naman ang time frame namin kaya after namin mag design ay pinakain ko ang mga ito. They deserved it after the pressures.   "Thank you maam, sobrang bait niyo po talaga kayo lang po iyong kilala naming boss na nakikisama sa mga empleyado po." saad nang head nang team   "No problem, anyway deserved niyo naman after nang ginawa niyo sa penthouse ni Olivares." sagot ko sa kanila   Alas kuwatro nang hapon ay maaga akong nag-out sa office, at binilinan ko ang aking secretary na siya na muna ang bahala sa 3 days off ko. Pagdating ko sa bahay ay wala pa si Karla, for sure may pasok pa ito. I cooked her food dahil alam kong pagod ito galing sa school, after kong mag luto ay inayos ko na ang mga gamit ko na dadalhin ko sa pag-uwi bukas sa bahay. At six in the evening ay dumating na si Karla.   "Good evening po ate, ang aga niyo po nagyon." bungad nito sa akin, napatingin naman ako dito habang naghuhubad naman ito nang sapatos niya.   "Hi Karla, yes uuwi kasi ako bukas sa bahay nang parents ko." sabi ko dito   "Talaga po? kailan po ang balik ninyo?" tanong nito at naupo sa tabi ko, nanonood kasi ako nang movie sa Netfilx.   "Hindi ko pa alam, my brother needs me. Kaya ikaw mag lock ka nang mabuti dito sa bahay, huwag kang magbubukas kapag may kumakatok, if something happens tumawag ka kaagad sa akin okay?" bilin ko dito, mahirap na mag-isa lang ito sa bahay baka mamaya may mga loko-lokong pakalat-kalat sa paligid.   "Yes po ate, sakto naman po holiday bukas at sa friday po kaya wala na akong pasok, hindi nalang po muna ako lalabas nang bahay hanggang sunday po. Mag online mass nalang po ako, nakakatakot po lumabas baka mamaya po may mga magnanakaw." sagot naman nito   "Good, if you feel something weird, call me immediately." saad ko pa   "Yes po ate, magbibihis lang po ako ate para makpagluto na po." paalam nito   "Nakapagluto na ako Kar, magbihis ka na at nang makakain na tayo, lalabas tayo punta tayong store kailangan nating mamili nang stocks dito sa bahay para may makain at magamit ka habang wala ako dito." saad ko   "Yes po, saglit lang ako ate." mabilis naman itong tumakbo sa kanyang silid, napailing nalang ako.   Nandito kami sa pinakamalapit na mall sa subdivision namin, hindi na kami lumayo pa dahil mahirap na baka mapagsarahan na kami.   "Kar kumuha ka nang gusto mong snacks." utos ko dito, agad naman nitong sinunod ang sinabi ko   Pumili lang ako nang pagkain nito like beef, pork, chicken, hotdogs, ham and bacon. Kumuha rin ako nang ilang piraso nang ramen. Mga essentials nito at personal hygiens.   "Ate bakit ang dami po nang mga pinamili mo?" tanong nito sa akin nang makita ang cart namin na punong-puno.   "For you, hindi nga kasi ako sure kong kailan ako makakauwi kaya mas mabuti nang marami kang stock to make sure na hindi ka magugutom." saad ko dito, napakamot naman ito nang ulo kaya natawa ako.   "Kaonti lang naman po ang nakakain ko ate." sagot nito   "I know kaya ikaw ubusin mo lahat nang ito, para naman tumaba taba ka kahit papaano." sagot ko    "Sege po." after naming magbayad ay lumabas na kami nang store, kumuha rin kami nang dalawang tube nang ice cream para may pang snack ito kasama nang mga biscuits na nakuha niya kanina.   "Sa tingin niyo po ate mauubos ko po lahat nang pinamili natin?" natatawang tanong nito   "Aba bahala ka at kailangan pag-uwi ko ubos na itong lahat." biro ko dito   "Ate naman, sasakit na po tiyan ko kapag napadami na po nang kain. Tsaka ayaw ko po tumaba mabubully lang po ako nang mga kaklase ko." reklamo nito, hindi naman ito tabain.   "Hayaan mo sila, palibhasa walang magawa sa buhay kaya kong sino-sino nalang ang pinagkakaabalahan." sagot ko dito, dumaan kaming KFC at nang order nang isang bucks nang spicy chicken.   "Wow ate, ang dami naman po parang aabot pa po iyan hanggang bukas po nang gabi ko." komento nito   "Initin mo nalang sa oven ha, mag-iiba na kasi ang lasa kapag malamig na." saad ko kay Karla, tumango lang ito   Nakarating kami sa bahay at inayos namin ang mga pinamili. Kumuha kami nang snacks namin dahil mag momovie marathon kami nagyon, pampalipas lang nang antok total wala naman itong pasok bukas, namili kami nang panonoorin sakto namang parehas kami nang trip at pinili namin ang horror.   "Ahhhhhhh!" natawa ako sa sigaw nito, paano ba kasi biglang namatay ang ilaw at lumabas ang multo sa kong saan.   "Nagulat ka Kar? Hindi naman masyadong nakakatakot, slightly lang naman." saad ko dito habang yakap ang isang unan.   "Nakakatakot kaya nong biglang lumabas ang multo ate." nakangusong saad nito   "Ilayo mo iyang pagkain natin at baka matapon pa kapag nagulat ka na naman." sinonod naman nito ang aking sinabi   "Ate paano po kapag nagkita kayo nang ex mo pag-uwi mo bukas, ano pong gagawin ninyo?" nabigla ako sa tanong nito, nilingon ko ito ngunit busy ang mata nito sa pinapanood   "Well okay lang hindi ko nalang ito papansinin, hindi naman ito ang dahilan nang pag-uwi ko eh." sagot ko dito   "Paano po kapag nagbigay ulit nang motibo po?" tanong pa nito   "Matagal na akong naka move on sa lalaking iyon Kar, wala nang babalikan pa. Tapos na ako sa kanya at ayaw ko nang balikan pa ang nakaraan." totoo iyon, naka move-on na siya sa lalaki pero hindi basta-bastang nawawala ang sakit na dinulot nito kaya hindi niya maiwasang masaktan sa tuwing naalala ito.   "Papaano po kapag sinuyo kayo ate, tapos humingi po nang tawad?" tanong pa nito, napahinga naman ako nang malalim bago ko ito sinagot.   "If ever man na mangyare iyan, papatawarin ko siya pero hindi ko maipapangakong magiging magkaibigan kami tulad nang dati." pinal kong sagot   "Paano po kapag humingi ito nang isa pang chance?" makulit rin ang batang ito.   "Malabong mangyare iyan, baka nga siguro kasal na ito sa babaeng pinagpalit niya sa akin eh." sagot ko naman   "Malay mo ate, hindi sila nagtagal kasi nagsisi na siya tapos hinihintay ka lang po pala niyang bumalik."   "It won't happen Kar, its been two years already kaya malabo iyang mga sinasabi mo." sagot ko dito   "Matapang ka naman po ate, alam mo nga po kong paano magtago nang nararamdaman. Kaya alam kong handa ka na pong harapin ito. Basta ate kapag gusto niyo po nang kausap tawagan niyo lang po ako, makikinig po ako." saad nito at nakangiting bumaling sa akin.   "Ikaw talaga, kong ano-an na naman iyang mga pinag-iisip mo." saway ko dito   "Masakit po ba talaga ate kapag nagka jowa na po?" tanong nito   "Depende naman iyon Kar, pero ang payo ko sa iyo ngayon ay mag focus ka muna sa pag-aaral mo. Mahirap magkaroon nang jowa habang nag-aaral ka pa nakakagulo lang ito sa iyong pag-aaral." payo ko dito   "Ate okay lang po ba kapag po malaki ang agwat nang nanliligaw sa iyo?" nagulat ako sa tanong nito   "Ikaw Kar ha, magsabi ka nga sa akin, may nanliligaw na ba sa iyo at sino naman iyon?" intrega ko dito, agad naman itong tumawa sa akin.   "Si ate naman hindi na mabiro, hanggang crush lang po ako. Promise po wala po talaga akong boyfriend kahit manliligaw po wala talaga." sabay taas anng akmay nito na akala mo ay nanunumpa.   "Huwag mo munang bigyan nang pansin iyang mga lalaki. Ang isipin mo ay ang pag-aaral mo." sabi ko kay Karla, agad naman itong tumango.   "Yes po ate. Ingat ka po sa ex niyo pag-uwi mo po doon." pang-aasar pa nito   "Siya kamo ang mag-ingat sa akin." sagot at gatong ko naman sa biro nito.   "Baka hindi ka na po makauwi dito ate ha, mamaya napikot ka na po doon." tumatawang saad nito, napasimangot naman ako.   "AY grabi ka sa akin. Kahit pa gwapo iyon ay hindi ko na babalikan pa, tanggap ko na ang isang pagkakamali ko. Ayaw ko nang ulitin pa."    "Nako ate, huwag ka pong magsalita nang patapos po baka ma usog po kayo." hirit pa nito   "Tigilan mo na nga ang lovelife ko." saad ko nalang at kumuha na nang chips.   "Ate, alam niyo po ba may isang sasakyan po kasi akong napapansin kapag po labasan na namin, lalo na po kapag nakauwin na po ako dito sa bahay, nakikita ko po itong naka park sa may labas nang subdivision. Kaya hindi po ako nauwi na wala pong kasama. Kinakabahan po ako." agad akong napalingon dito.   "Namumukhaan mo ba Kar?" tanong ko dito, umiling naman ito   "Hindi po eh, hindi ko pa po ito nakitang bumaba po nang sasakyan." cool lang itong tingnan, but deep inside alam kong natatakot ako.   "Kar, may idea ka ba kong sino ito?" tanong ko dito.   "Wala po ate, naalala niyo po ba iyong nagpaalam po ako sa inyo na may pupuntahan po akong art exhibit po sa makati? Doon po nagsimula ate, palagi ko pong nakikita iyong itim na sasakyan hanggang sa labas po nang school ko." kwento nito sa akin.   "Anong art exhibit nga iyon Kar? Nasa iyo pa ba iyong invitation crad mo?" tanong ko dito, seryusong usapan na ito.   "Yes po kukunin ko lang po ate." paalam nito   Napahilot nalang ako sa aking noo, sa sinabi nito ay parang ayaw ko na tuloy umalis dahil nag-aalala ako sa dalaga. I dialed my secretary's number.   "Hello maam?" bungad ni Mia sa akin.   "Mia, pwede ba akong humingi nang pabor sa iyo?" tanong ko dito.   "Yes po ano po iyon maam?"    "Pwede bang dito ka muna sa bahay ko mag stay nang 3 days? Aalis kasi ako at walang kasama ang working ko dito, mahirap na baka may mga loko-lokong pasukin ang bahay lalo na at walang kasama ito." paliwanag ko dito, narinig ko itong napabuntong hininga.   "Ah yes po, balak ko na nga rin po sanang umalis dito sa apartment ko. Feeling ko kasi after nnag office hour po ay palagi kong nararamdaman na may taong sumusunod sa akin. Pero kapag lumilingon naman po ako sa likuran ay wala po akong makita. Every night naman po ay parang may nakatingin sa akin, I don't know kong dala lang po nang pagod but I feel unsafe po." kwento nito, kinalabutan naman ako sa sinabi nito.   "My god! Same case kay Karla my working student, kanina while we're watching movie she told me something hindi ako mapakali kapag wala itong kasama sa bahay, pwede ka bang pumunta ngayon dito at dalhin ang iba mong gamit for the meantime hanggang sa makabalik ako at tulungan kitang maghanap nang bago mong apartment." offer ko dito   "Okay lang po ba maam? Naka pack na po ako, naghihintay lang po ako nang confirmation po about sa isang landlady na may paupahan po." sagot nito   "Oo naman, may masasakyan ka pa diyaan?"    "May grab naman po maam at isang malaking malita lang naman po ang gamit ko." sagot nito   "Sege I'll send my address nalang okay? Tawagan mo ako kapag nasa labas na kayo nang bahay ko." sabi ko dito   Now what? Bakit may ganitong pangyayare, ang weird ha. First si Karla and now my secretary, I need to secure their safety bago ako umuwi bukas. I need some guard na pwedeng magbantay sa kanila habang wala ako. I called Mark, I'm sure may mga connections ito.   "Mark?" bungad ko nang sagutin nito.   "Yes Bea? Anong mayroon at napatawag ka?" takang tanong nito, usually kasi ay tulog na ako sa ganitong oras.   "I need four guards Mark, iyong bulky ang katawan." saad ko dito   "Why?! May nagbabanta ba sa iyo?" narinig ko ang pagtaas nang boses nito sa kabilang linya.   "Of course not, aalis kasi ako uuwi ako nang bahay namin sa parents ko. Hindi ako mapanatag na iiwan ko si Karla mag-isa dahil may sumusunod ditong naka car nang black, I called my secretary Mia para sana samahan si Karla but same thing with her, this past few days ay may sumusunod dito hanggang sa makauwi nang apartment. Hindi ko sila pwedeng iwan sa bahay na walang taga bantay." paliwanag ko. I heard him sight   "Okay I get it now, sege ngayon din papupuntahin ko na diyaan. Send ko sayo ang details nila. Mag-ingat kayo diyaan lalo kana." sambit nito at pinatay na ang tawag.   Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko, nakita ko ang number ni Mia telling me na nasa labas na ito nang bahay.   "Come inside Mia, okay ka alng ba? You look pale." pansin ko dito   "Hindi pa po kasi ako kumakain maam, this past few days po ay wala akong saktong kain kasi feeling ko po bawat galaw ko ay nakamasid." nakikita ko ang takot sa mata nito.   Niyakap ko ito to calm her, I can't imagine those things kong sa akin iyon nangyare, baka mahimatay na ako sa takot.   "It's okay Mia, kumuha na ako nang apat na body guards niyo pansamantala okay? Now kumain ka muna at uminom ka na rin nang gatas para makapag pahinga ka." saad ko dito, inakay ko ito patungong dining area.   "Maraming salamat po maam, wala naman po kasi akong matandaan na may nakaway po ako at wala naman po akong nobyo ni isa po." malungkot nitong sabi.   "Don't worry maayos din lahat, tinawagan ko iyong abogado kong kaibigan. Kumain ka na, babalikan ko lang si Karla." paalam ko dito   "Kar?" tawag ko kay Karla, agad naman itong lumingon sa akin.   "Ito na po iyong invitation ate sa art exhibit po." abot nito sa akin.   "Okay, makakasama mo si ate Mia mo ngayon dito, don't worry may body guards kayo kaya huwag kang masyadong mag-alala." sabi ko dito   "Salamat po ate, atleast po may peace of mind na po ako ate na may kasama ako dito sa bahay." saad nito   "Tinawagan ko na rin ang kuya Mark mo, tutulungan niya tayo kaya huwag mo nang isipin iyon." nakangiting wika ko dito   "Matulog ka na Kar. Sa kabilang room ko patutulogin si ate Mia mo." agad naman itong tumayo at pumasok na sa kanyang silid.   Binalikan ko si Mia sa kusina, tapos na itong kumain at naghugas na. Pinagmasdan ko ito, maganda naman kasi si Mia kong hindi ko lang ito kilala ay baka iisipin kong galing ito sa mayamang pamilya. May lahi kasi ang ama nito at pinay naman ang ina, mag-isa lang itong anak kaya lang namatay ang kanyang ama kaya naghirap sila.   "Mia, after mo diyaan ay sumama ka sa akin sa ibang room katabi nang room ni Karla." lumingon naman ito sa akin.   "Thank you po, malapit na po akong matapos." saad nito   Pinasok na nito ang kanyang gamit sa silid na binigay ko. Nang makitang okay na ito ay pumanhik na ako sa aking silid, nahiga ako sa kama at napapikit. Iniisip ko kong sino kaya ang may pakana nang lahat nang ito, malabong hindi niya kilala ang mga ito. Pawang malalapit sa kanya ang nagiging biktima.   Sh*t napabangon ako nang sumagi sa isip ko ang isang tao....... sana mali ang iniisip ko. Doubt kills more dreams than failure ever will.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD