Sinunod ni Gael ang inutos niya at ipinarada nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sabay pa silang nagmamadaling bumaba ng sasakyan upang puntahan si Aaliyah na wala pa ring malay sa likod ng sasakyan. Nauna si Gael sa kanya na makasakay sa loob ng sasakyan. Naupo agad ito sa tabi ni Aaliyah dahil bakante ang gawing kaliwa ng upuan sa likuran. “Aaliyah,” sabi ni Gael habang nakahawak ito sa kaliwang braso ni Aaliyah na nakahiga ang itaas na bahagi ng katawan sa upuan. Inangat naman ni Hugo si Aaliyah. Inalalayan niya ang ulo at katawan nito hanggang sa maisandal niya sa upuan ang dalaga. Umalalay rin si Gael at tinulungan siya. Inakbayan niya si Aaliyah at ipinatong ang ulo nito sa kanyang balikat. “Aaliyah, baby, wake up. What’s wrong with you?” sabi niya ngunit hindi pa rin ito dumidi

