Nang hawakan ni Hugo ang binti ni Aaliyah pataas sa tuhod nito, napangiti siya. Para silang naglalaro ni Aaliyah nang patago. Nang bumalik siya sa kanyang kinauupuan, hindi siya nagpakita ng emosyon upang hindi mahalata ng kanyang anak na si Gael ang kababalaghan na nangyayari sa ilalim ng mesa. Seryoso ang mukha niya pero ang nasa isip naman niya ay ang ginawa niyang paghaplos sa makinis na balat ni Aaliyah. Nag-e-enjoy siya sa larong ginagawa nila ng dalaga at iniisip pa niya kung ano’ng sunod na gagawin nito. Masaya si Hugo pero nang marinig niya ang sagot ni Aaliyah sa tanong ni Gael ay mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha. Hindi niya akalain na kahit ilang araw pa lang ang nakakalipas mula ng bumalik ng Pilipinas si Gael ay marami nang nangyari, at habang wala pa siya. Nakaramdam s

