“That can’t be true. Edited lang ‘yon.” Kahit may nangyari sa kanila ni Belinda ay hindi niya mapaniwalaan na may s3x video sila na kumakalat, dahil wala naman siyang ni-record sa cellphone niya at gano’n din naman si Belinda. Walang camera na nakatutok sa kanila nang ginawa nila ‘yon. “Pre, parang totoo. Kung edited ‘yon, parang ang linis masyado ng pagkakagawa. Ano bang ginawa n’yo ni Belinda pagkaalis n’yo sa party ni Jimmy? Maliban sa paghatid mo sa kanya, may iba pa ba kayong ginawa? Pre, walang malisya. Tanong lang ‘to bilang isang concern na kaibigan.” “Send me the video. I need to see it. Kailangan kong malaman kung sino’ng nagpakalat niyan.” Iniwasan niyang sagutin ang mga tanong ni Miguel para maprotektahan niya si Belinda. Kahit nakainom siya kagabi ay alam pa rin naman niya

