CHAPTER 79

1313 Words

Thumbnail pa lang ng video nina Hugo at Belinda ang nakita ni Aaliyah ngunit nag-uunahan nang pumatak ang kanyang mga luha. Nang matanggap niya ang video mula kay Hannah ay nagdadalawang-isip pa siya kung papanoorin niya ito o hindi. Alam na naman niya na nagtaksil sa kanya ang kanyang Daddy Hugo, at narinig pa niya ito mula sa mga labi nito, kaya para bang wala nang saysay pa kung panoorin pa niya ang video. Sasaktan lang niya at pahihirapan niya ang kanyang sarili. Kaya lang ay para bang may nagtutulak sa kanya na panoorin ito upang malaman niya ang buong nangyari. Nakatapat sa kanyang dibdib ang kaliwa niyang kamay na mahigpit na nakakapit sa harapan ng kanyang damit. Kapag binitawan niya ito’y siguradong lukot na ito sa higpit ng kanyang hawak. Sa kanang kamay naman niya ay hawak niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD