Bumalik sa loob ng kanyang kwarto si Aaliyah. Parang nasisiraan na siya ng loob, dahil hindi niya alam kung paano siya makakaalis nang walang nakakakita. Isa lang ang makakita sa kanya’y baka isumbong siya agad nito kay Hugo. Nag-iisip siya ng gagawin hanggang sa pumasok sa kanyang isip si Manang at naalala niyang ito ang tanging kasama nila sa bahay na alam ang tungkol sa relasyon nila ni Hugo. Naalala rin niyang sinabi ni Hugo na kinausap ito ni Manang tungkol sa kung ano ang makakabuti at hindi sa kanila. Sa tingin nga niya’y isa si Manang sa naging dahilan kung bakit biglang naguluhan si Hugo at biglaang nagpasya na gumawa ng paraan upang magkahiwalay sila. Hindi niya sinisisi si Manang sa nangyari. Nakaimpluwensya man o hindi ang mga sinabi nito kay Hugo, sa huli, ang Daddy Hugo pa ri

